I don't love you anymore

1.7K 55 0
                                    

Chapter 8

Saphie's POV

Ding! Dong!

Kinusot ko ang mga mata ko tsaka ko kinapa ang phone ko sa may side table. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko para patayin ang alarm. Nanlaki bigla ang mga mata ko nang makita ko ang oras.

"What?! Ouch!"

Aarghh! Na-out of balance tuloy ako at nahulog sa kama. Ang sakit ng likod ko.

"Jeez. Male-late ako nito eh."

Tumayo na ako at hinayaan na ang magulo kong kama. Kakamadali ay muntik na akong madulas. Mabuti na lang napahawak ako sa may pinto ng CR. Pumasok agad ako at nag-toothbrush.

"Oh my gosh! Whoo!"

Muntik nang mahulog yung toothpaste sa inidoro! Gosh! What's happening to me? Tumingin ako sa salamin at huminga ng malalim.

"Relax, Saphie. Wag kang magmadali kasi lumalabas yung pagka-disaster mo eh. Chill ka lang, ha? Relax."

Mind over matter. Hindi. Ako. Disaster. Hindi nila ako pwedeng makita bilang isang clumsy na babae dahil nagbago na ako. Nagbago na, okay?

Tinuloy ko na ang pagto-toothbrush ko pati na rin ang iba ko pang morning rituals. Dahil college na ako at Photography namana ng course ko, civilian lang ako. Nagsuot ako ng off-shoulder tapos pants then 1-inch wedge. Thanks to Krisha at natuto akong magsuot ng ganito. Inayos ko na rin ang shoulder bag kong light blue tapos ay kinuha ko rin ang bag ng bago kong SLR. Ayokong gamitin yung isa kasi puro picture namin noong High school yun. Ayoko nang balikan ang nakaraan.

Pero ayoko ring burahin yun.

Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso sa dining room. Naabutan ko si Prince na nauna pa sa aking kumain.

"Good morning, Princess."

Ngumiti rin ako sa kanya tsaka ako umupo sa tapat niya.

"Good morning, Prince. First day mo na rin sa school?"

Nilunok muna niya yung kinakain niyang sandwich bago ako sinagot.

"Yup!"

Tumango na lang ako. Muntik ko nang mahulog yung tinidor pero buti na lang walang nakakita sakin.

"Good morning, Lady Saphie."

Napatingin ako sa kanan ko at ngumiti.

"Good morning, Butler James! Sumabay ka na samin sa breakfast."

"No thanks, Lady Saphie. Nakakain na ako kanina."

Ang early bird talaga nito parang si..aarghh. Never mind.

"Ipapahanda ko na po ba ang kotse niyo?"

"No!"

Napatingin ako kay Prince nang nakakunot ang noo.

"Ako ang tinatanong, hindi ikaw."

"Yeah but you don't need your car because I'll drive you there."

"What? Prince, hindi na ako bata. Mamaya ma-late ka pa sa school mo."

"Nope. Hindi ako male-late."

"Prince, kung ihahatid mo pa ako, male-late ka talaga. Unless.."

Napanganga na lang ako nang mag-smirk siya sakin. Oh, no.

"Sa DGU ka rin mag-aaral?!"

"Yup!"

"But why?!"

Chasing Ms. Disaster Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon