Puerto Prinsesa , Palawan ( Year 1994)"Wag ka ng tumakbo Miss! Magpapagod ka lang! Hahahahaha. "
Isang nakakalokong tawa ang pinakawalan niya.
Hinahabol niya ako. Hindi ko alam kung anong nilalang siya. Basta ang masasabi ko lang hindi siya tao.
Nakakatakot ang pula niyang mga mata. Matatalas na kuko at pangil.
Isa siyang HALIMAW .
"Miss di ba sabi ko sayo wag ka ng tumakbo? Ang tigas ng ulo mo. " at isang ngisi ang binigay niya sa akin.
Di ko namalayan ay nasa harapan ko na siya. Nagkatitigan kami at isa lang ang nababasa ko ngayon sa mga mata niya. LUST and DESIRE.
"Miss pagbigyan mo na ako. Masasarapan ka naman sa gagawin natin eh. "
Bigla niya akong hinapit papalapit sa kanya at sinubukan akong halikan ngunit nagpumiglas ako. Pagkatapos ay tinali niya ang kamay ko para di ako makapalag. Sobrang lakas niya kaya hindi ako makalaban.
Pinipilit kong buwagin ang pagkakatali sa aking kamay ngunit wala na akong lakas. Di ko na kaya pang lumaban. Pagod na din ako kasi kanina pa ako tumatakbo.
Naramdaman ko nalang na sinira niya ang damit ko at hinahalikan na niya ako sa leeg . Ramdam na ramdam ko ang malalaki at matutulis na pangil niya. Naglalakbay na din ang kamay niya sa maseselang parte ng katawan ko.
Nanlalabo na ang mata ko dahil sa mga luha ko. Pero naisip ko bigla ang pamilya ko. Sina mama at papa. Hindi ko sila pwedeng iwan.
Kaya nagipon ako ng lakas at naghintay ng tamang tiyempo. Isang malakas na sipa ang pinakawalan ko at tumama ito sa sikmura niya. Namilipit ito sa sakit at tumakbo ako para makatakas pero nahigit niya ang buhok ko at sinuntok ako ng paulit ulit sa aking sikmura.
Hindi ko na kinaya pa ang sakit at unti-unting nagdilim ang aking paningin. Ang huli kong nakita ay ang mukha niyang nakangisi na parang isang demonyo.
Ang mukha ng HALIMAW na lumapastangan sa akin.
YOU ARE READING
SUPERNATURAL (#Wattys2016)
Mystery / ThrillerA mystery/thriller medical story inspired by Blood ( korean drama series. ) One ordinary girl. A hidden tribe. A vague past. Secrets that are kept hidden for centuries. Will she able to fight death and survive or she will also die like the oth...