5 : The Princess and the Pawn

666 146 24
                                    




Warning: Unedited at mas maganda kung makikita niyo mga diagram. :)


Nicola's POV

 Labinlimang minuto na din ang lumipas pero hindi pa namin alam ang sagot

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Labinlimang minuto na din ang lumipas pero hindi pa namin alam ang sagot. Forty five minutes na lamang ang natitirang oras namin.

"I know the answer." Janey stated with confidence. Naka poker face pa din siya at halata mong seryosong seryoso. Kaya ang lahat ng atensyon namin ay napunta sa kanya.

"What's your conclusion Janey?" Midgley asked but with hesitation with her voice. Malamang ay natatakot din sya sa kakaibang aura ni Janey ngayon.



"Tetrodotoxin or TTX is the answer which is known as a potent neurotoxin.Isa itong matapang na lason na nakakamatay dahil ang unang pinupuntirya nito ay ang utak ng biktima." Janey answered.

"Tama si Janey. Naalala ko na. Nung bata ako dahil sa katakawan ko ay humingi ako ng ulam sa kapitbahay namin at sa kasamaang palad puffer fish pala ang ulam nila at positive ito sa TTX. Yung complaints ko dati ay epigastric pain at numbness. Yun daw ang mga unang sintomas ng isang pangkaraniwang kaso kapag nalason ka ng butete or pufferfish. " Pagkwekwento sa amin ni Midgley. Pagkatapos nito ay tumawa pa ito ng malakas dahil daw sa sinapit nito dati.

"Can you explain further ? Bakit nagkaroon ng numbness ang pasyente?"Biglang tanong naman nung lalaki na nagbabantay sa amin.


"The numbness is due to the mechanism of action of TTX. TTX inhibits the voltage gated sodium or calcium receptors thus promoting numbness and ihibiting contraction. Ang ibig sabihin nito ay pinipigilan ng TTX ang paggalaw ng asin sa ating katawan.Ang asin or Sodium Chloride (NaCl) ay isang importanteng sangkap upang magcontract ang mga muscle at ibang organs naten sa katawan , ang isang magandang halimbawa nito ay ang ating muscles at puso. " Agad na sabi ni Janey sa lalaki.


"Well done miss. This is your fourth case. Goodluck. " wika ng lalaki kay Janey at sabay ngiti dito.

We immediately opened the fourth paper .Wala na kasi kaming oras. Our next patient is a seven year old girl. Mika Chan is on the 7th floor . Room 709 .


Nang makarating na kami sa kwarto ay nadatnan namin doon ang nanay ng pasyente.Kaya nagpakilala kami at hiningi na ang medical records nito. Sabi sa amin ng nanay ng pasyente ay ipananganak nya daw ang kanyang anak na nagmana sa kanya.Medyo marami daw kasing allergies ang bata.


Nang makita namin si Mica ay naawa kami dito.May hives kasi ito, may mga purple at red rashes sa katawan nito. Her skin are also shedding and her face are swelling kaya naging bilog ang mukha nito.


"This is easy. Ayon kasi sa medical records ng pasyente ay bago naging ganto ang pasyente ay uminom ito ng Bactrim ( isang uri ng antibiotic ) dahil may infection ito. " biglang sagot ni Felis.

SUPERNATURAL (#Wattys2016)Where stories live. Discover now