Chapter 17

14 3 1
                                    

Neri's POV

Ilang araw ko nang pinag-isipan ang sinabi ni Tita sa akin. Sobra akong nasasaktan sa gagawin ko, pero alam kong maiintindihan ni Tita 'to.

"Besh, bakit di ka na dumadalaw sa ospital ?" tanong ni Shy.

Pagkatapos kasi ng gabing 'yon, hindi na ako nakabalik ng ospital kasi busy kami para sa hearing sa korte. Sinampahan kasi nina Mom and Dad ang napakakupal na lalaking 'yon. And luckily, nakulong na nga siya ng pang habang buhay.

"Busy lang." tipid na sagot ko.

"You know I'm here naman besh diba ? Hays. Sayang hindi tayo nakasali sa Foundation Week noh ?" panghihinayang na sabi ni Shy.

I looked at Shy. She's so innocent, napaka-refined. Kung titingnan mo siya, parang masasabi mo talagang hindi siya marunong magalit. Napakaamo ng mukha niya, unlike the old her.

Habang iniisip ang lahat ng 'yon, biglang nag vibrate ang phone ko. Kinuha ko 'yon galing sa bulsa ko at binasa.

From: Rayver

She's awake.

Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko. Hindi ko alam kung ano dapat ang i-react ko sa text ni Rayver. I literally froze.

"You okay besh ?" nag-aalalang tanong ni Shy habang nakahawak sa balikat ko.

"We need to go to the hospital." pagkasabi ko nun mabilis kaming nagpunta ng parking lot.

I drove the car immediately and we rushed into the hospital. Nasa labas pa man kami ng kwarto ni Yesha, ang ingay-ingay na sa loob. Naiyak ako habang pinapakinggan ang boses niya na ilang linggo rin naming hindi naririnig. Ang boses niyang puno ng saya na nakakahawa.

We entered the room, and there she is, laughing and ranting her jokes again na parang wala lang nangyari. Niyakap kaagad siya ni Shy, tawa pa ng tawa si Yesha kasi sobrang naiyak si Shy habang kayakap siya.

"So ? Are you going to stand there the whole day huh ?" Yesha said while referring to me. Tiningnan nila akong lahat at dahan-dahan akong lumapit sa kanya.

I hugged her tightly. Namiss ko ang bruhang 'to sobra. Hindi ko na rin mapigilang hindi maiyak habang kayakap siya. Akala talaga namin di na siya gigising eh.

"Uh-hmm ... besh ? Ah-eh di a-ko maka-makahinga ..." pagkasabi ni Yesha nun kumalas agad ako sa yakap. Natawa naman sila dahil dun.

"May balak ka pa yatang patayin ako dun besh ah ?" pang-aasar ni Yesha kaya pinalo ko ang braso niya.

"Naaliw ka yata sa pagiging sleeping beauty ?" sabi ko at naupo sa gilid niya.

"Oo nga eh, feel na feel ko 'yong moment. Lalo na't nandyan pala palagi ang Prince Charming ko." sabi niya na may pakilig-kilig effect pa.

She looked at Jake na nasa couch ngayon at kausap si Denver. They're seriously talking. I wonder ano kayang pinag-uusapan nila.

"Asuuus ! Hindi ka naman kiniss nun." sabat naman ni Shy. Nandilim kaagad ang paningin ni Yesha habang tinitingnan si Shy.

Shy raised her hands na para bang sinasabi niyang wala siyang kasalanan. Asar-talo talaga ang bruhang 'to kahit kailan.

"Baka di niyo nakita." sabi niya at pareho kami ni Shy na nagkibit-balikat.

Nag-usap lang kaming tatlo habang tawa ng tawa. Namiss ko talaga ang bonding na katulad nito. And I'm glad everything's going back to normal again. Makakasama na rin namin ulit si Yesha.

Habang nag-uusap kami biglang pumasok sa loob ng kwarto sina Tita Andrea, Tito Vince, Rayver at Dr. Mendez. Lahat sila hindi maipinta ang mukha, well, except kay Tito Vince na kaswal lang na naupo sa couch katabi nina Denver at Jake.

The Hokagirls ❤ #Wattys2016Kde žijí příběhy. Začni objevovat