Chapter 9

21 3 0
                                    

Ayesha's POV

Simula nung nangyari sa amin ni Bebe ko sa safehouse nila, hindi na talaga ako pumalya sa pagpaparamdam sa kanya kung gaano ko sya kamahal.

Araw-araw ako naglalagay ng post-it-notes sa locker niya pero araw-araw niya rin itong tinatapon. Alam ko naman na sayang ang effort pero go push lang. Tsaka di pa naman niya siguro alam na ako ang nagpapadala ng mga nun, hindi naman siguro ako masyadong halata noh ?

"Besh ? Kamusta naman ang exam mo ?" biglang tanong ni Shy.

"Oo nga ? Nasagutan mo ba lahat ha ? Baka naman puro pangalan ni Jake ang nakalagay dun." pang-aasar ni Neri habang nakangisi ang loka.

Sinamaan ko nalang siya ng tingin at buti nalang talaga nakuha niya.

"Minamaliit nyo na ako ngayon ha ? Ikaw Shy kung di ako nag-effort na kaladkarin ka palabas ng bar gabi-gabi noon magiging running for Suma Cum Laude ka kaya ha ? Tsaka ikaw Neri kung hindi ko tinapon lahat ng s*x tapes at porn photos sa kwarto mo magkakaroon ba ng space ang mga libro dun para sa pagbabasa mo ha ? Oh ano kayo ngayon ?" pagtataray ko sa kanilang dalawa.

"Aish! Wag mo na ngang banggitin kadiri ng kalokohan na 'yon." nakangiwing sabi ni Neri.

"Eh ? Oo nga besh di ko lubos ma-imagine na ganun pala ako dati. Huehue." sabi naman ni Shy habang umiiling.

"Ooowsee ?" pang-aasar ko sa kanilang dalawa. Siraulo 'tong mga 'to. Hindi marunong tumanaw ng utang na loob eh.

"Oh sige na sige na. Ikaw na talaga." at akmang hinawakan ang invisible crown niya at ipinasa sa akin. Nag pageant wave pa ako para magpasalamat sa kanya at si Neri naman sinuotan ako ng invisible sash. Oohaa ? Ang sweet nila noh hahaha.

"Okay lang besh, invisible naman 'yon. Walang katotohanan sa mga 'yon." at sabay pa silang humalakhak.

Aish ! Nakakabanas 'tong mga 'to. Tumayo na ako at nag walk-out sa kanila.

"Oy Yesha ? San ka pupunta ? Asar-talo ka pala eh." narinig ko pang sigaw ni Neri. Pero nag wave nalang ako sa kanila.

Mahirap nang mainis sa dalawang 'yon palagi akong natatalo sa mga asar nila. Aish !

"Si Jake nasa rooftop. Magpapakamatay yata." salubong ni Marguex sakin kaya nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Whaaaaat ? Bakiiit ? Aa-nong building ? I mean saang building ? Bakit siya magpapakamatay ? Ano ? Sumagot ka nga !! Kalbuhin kita eh ano baaaa !!!!!" nag hy-hysterical na ako at sobrang natataranta na. Nagha-hyperventilate na rin ako.

"Di ko alam. Nasa Engineering Building siya. Tsaka pwede ba di ka niya girlfriend kaya umasta ka ng tama." by that nilagpasan na niya ako at naglakad palayo. Argh !

Nilingon ko siya, gustong-gusto ko na siyang kalbuhin eh. Pero hindi pa ito ang panahon. Kailangan ako ng asawa ko ngayon !!

Kumaripas na ako ng takbo papunta sa Engineering Building. Ano ba kasing pumasok sa utak ng asawa 'kong 'yon ?!

Pagkarating ko ng Engineering Building dumiretso agad ako sa elevator pero nakalagay dun 'Out of Order'. Bwiset ! Kung kelan kailangan tsaka pa nagloko. Sinipa ko ng napakalakas ang elevator bago ako tumakbo ulit at tinahak ang hagdanan.

Habang tumatakbo ilang beses na rin akong natisod at muntik nang tumambling dahil sa pagmamadali. Kaya para mas mapabilis ang pagdating ko dun, tinanggal ko ang sapatos ko at trumiple pa ang bilis ko sa pagtakbo ngayon.

Nang makarating ako sa rooftop nakita ko si bebe ko na nasa railings na, "WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAG!!" sigaw ko habang 'yong isang kamay ko naka stretch para pigilan siya.

The Hokagirls ❤ #Wattys2016Where stories live. Discover now