Chapter 10

34 4 1
                                    

Jake's POV

"I can handle a nightmare. You're a nightmare everyday for me." I said firmly without even looking at her.

Ayoko siyang umasa, kasi ayokong mahalin niya ako.

Ayoko siyang saktan pero ito lang ang tanging paraan na pwede kong gawin para layuan niya ako. Stupid as it seems pero pananagutan ko ang desisyon kong hindi ko pa kayang bitawan ang alaala ni Shynella dito sa puso ko.

Pagkalabas ko ng pinto sa rooftop may nakita akong lalaking nakayuko habang nakasandal sa pader na nasa gilid at nakapamulsa.

Hindi ko nalang siya pinansin at humakbang na pababa, "Life is giving you signs, but you ignore them. Because you're afraid of the things they're signaling you to do." napahinto ako sa sinabi niya. Nilingon ko siya pero pumasok na siya sa loob ng rooftop.

Sh*t ! G*ago yun ah. Of course I'm not. Alam ko kung ano tong nararamdaman ko at mali ang signs na binibigay ng tadhana sa akin. Of course I know what my heart wants. Atleast I know who my heart loves 'till now.

Bumaba na ako at nakasalubong ko si Marguex sa hallway. Hindi niya ako pinansin at nilagpasan lang kaya hinigit ko siya, "Why did you told her that I almost committed suicide up there ?" naguguluhan kong tanong. I thought she was a friend, akala ko naiintindihan niya kung bakit di ko kayang paasahin si Yesha. Sh*t nakakainis lang.

"It's hard to wait around for someone you know will never come back, but it's harder to give up when you know she's everything you want." naguluhan ako sa sinabi niya.

"You're falling for her pero dini-deny mo Jake kasi hanggang ngayon tinutupad mo pa rin ang pangakong dapat mo nang ibinaon kasama ng pagbaon ng katawan niya sa lupa." she added kaya mas lalo lang akong naguluhan.

"You know what I've been trying to understand you Jake kasi kaibigan kita, pero kasi atleast kaibigan rin ang turing ko kay Yesha though she doesn't see me the same way. You're trying to keep your promise to Shynella, para ano ? Para sabihin nilang you're a man of your words ? Pero hindi mo man lang ba nakikita that you're hurting someone who's always been there for you because of your words." she hit me.

Iwinaksi niya ang pagkakahawak ko sa kanya at tumalikod, "You're trying to keep your image but your not cleaning your conscience." then she left habang ako naman naiwang nakatanga.

Totoo ba lahat ng 'yon ? Syempre hindi. Mahal ko si Shynella, mahal ko siya at alam ko 'yon. There's no one who could replace her in my heart.

Naglakad ako na parang zombie sa susunod na class ko. Iniisip ko lahat ng sinabi ni Marguex. Am I in denial ? Am I really falling for her ? For real ? NO.

Dumiretso na ako sa room at umupo sa pinakalikod na bahagi ng room. Pumasok na rin ang prof. namin at nagdiscuss na siya about sa kung anu-ano.

Hindi ako nakinig hanggang sa matapos na ang klase. Pagkatapos nun lumabas na agad ako ng room at naglakad papunta sa department ni Yesha. Maybe I've been so hard to her awhile ago. She's still a woman. She's fragile like any other girls do.

Pagkarating ko sa tapat ng room niya nakita ko siyang hinang-hina na papabagsak. Kaya dali-dali akong tumakbo para saluhin siya. Hinang-hina nga siya ngayon at hindi na niya kinayang imulat pa ang mga mata niya.

Kinarga ko siya papunta sa clinic. Habang naglalakad pinagtitinginan kami ng ibang students, nakita ko rin si Marguex na nakatingin sa amin ngayon ni Yesha. I can't even recognize kung ano ang pinapahiwatig ng mga tingin niyang 'yon.

Pagkarating namin sa clinic inasikaso na kaagad siya ng school nurse.

"I'll inject sleeping solutions for her to rest." sabi ng nurse kaya tinanguan ko lang siya. Naglakad kami papunta sa table niya.

The Hokagirls ❤ #Wattys2016On viuen les histories. Descobreix ara