Chapter 12

21 2 0
                                    

Ayesha's POV

I know it'll sound stupid kung maghahabol pa ako sa kanya ulit. Pero there's no harm in trying naman siguro diba ? Well, except with the broken heart if ever he'll reject me again. Tsaka, atleast I won't regret anything in the end, because I know I tried. I know I did everything to make him feel how much I am into him.

"Besh ? Hue.Hue.Hue. You mad ?" nagulat ako ng sumulpot ang dalawa sa harapan ko. Nasa canteen kasi ako ngayon dahil breaktime na, at hindi ko sila pinansin kanina nang pumasok ako sa University kaya kung makapag-react 'tong dalawa akala mo na kung ano.

Hindi ko sila pinansin at, nagpanggap nalang na hindi sila nakita o narinig. Ha ! That's for keeping secrets from me -,-

"Naku besh, nabulag na ata tsaka nabingi si Yesha. Huehuehue." Neri said.

"Baka si Jake nalang ang pwedeng makita ? Anong klaseng sakit 'yon besh ?" naningkit ang mga mata ko. Napaka-abnormal talaga nang dalawang 'to.

"Tawag tayo ng doktor besh, 'yong may alam." sabi ni Shy kaya binatukan siya ni Neri.

"Tange ! May doktor bang walang alam ha ?" tapos binatukan niya ulit si Shy.

"Meron. 'Yong ka date mo nung isang buwan. Hahahahahaha" nandilim ang mga mata ni Neri sa sinabi ni Shy kaya hinampas na niya ito ng libro sa ulo.

"Bwiset ka ! Ikaw kaya ang nagbigay nun sakin, akala ko pa doktor talaga 'yon pala may sakit sa utak 'yon !! Walanjo kaaaa !!" sabi niya habang patuloy na hinahampas si Shy.

Natawa ako sa sinabi ni Neri. I still remember, manghang-mangha kami dun sa Edward na 'yon. Kasi kung makapagsalita siya napaka-genious pakinggan sabayan mo pa ng napaka-gentleman pero may taste of naughtiness na aura niya. Sino ba naman ang hindi mahuhumaling diba ? Nang mag decide si Neri na magseryoso kay Edward, tsaka namin nalaman na psycho-patient pala si Edward. 'Yon bang may sakit sa utak, na nagha-hallucinate ng mga tao. Ginagawang totoong tao ang mga imaginary persona na nabubuo sa utak niya. And recently lang nalaman namin na hindi pala Edward ang pangalan niya kundi Timoteo hahahaha ang bantot lang pakinggan.

"Hahahahahahaha yaaaah I still remember him hahahahaha seryoso ka na dun eh." sabi ko sabay tawa.

Nanlaki ang mga mata nila habang nakatingin sa akin kaya huminto ako sa pagtawa.

"What ?!" tinaasan ko sila ng kilay at tinarayan. Para pa silang hindi makapaniwala na tumawa ako ng ganun. Nakakabanas !

"Di-did you jus-just laugh ?" nakanga-ngang sabi ni Shy.

Siningkitan ko sila ng mata, so what kung tumawa ako ng ganun ? Talaga 'tong mga to, bakit kasi hindi ko sila matiis eh.

"Hindi. Ibang tao 'yon. Nagha-hallucinate lang kayo." pamimilosopo ko sa kanilang dalawa.

"Yeeeeeeeessss !!!" nagbunyi silang dalawa. Tawa sila ng tawa habang naga-apir at niyayakap ang isa't-isa. Naimagine nyo ba ? Parang mga tanga lang eh.

"All graduating students please proceed to the gymnasium right away. I repeat, all graduating students please proceed to the gymnasium right away."

Natigilan kaming tatlo. Bakit kaya ?

"We better go." pangunguna ko sa kanilang dalawa at nauna na sa gymnasium.

"Oo nga." segunda ni Neri.

As usual habang naglalakad kami papuntang gymnasium, all eyes on us. Mapa freshmen hanggang seniors nakatingin sa amin. Nakakatawa lang, kasi 'yong ibang mga babae mamatay-matay na sa kakahigit sa boyfriend nila para hindi lang tumingin sa amin eh hindi naman nila mahila talaga.

The Hokagirls ❤ #Wattys2016حيث تعيش القصص. اكتشف الآن