Chapter 11

36 4 0
                                    

Ayesha's POV

"Honey are you really okay ?" tanong ni Mom na halatang hanggang ngayon ay nag-aalala pa rin.

"Malayo sa bituka." I said joyfully.

Simula nung bumisita si bebe ko, nagising ang buong kaluluwa ko. Parang siya 'yong kryptonite ng buhay ko. He's my power and at the same time he's my weakness.

"Let's go." biglang sabi ni Rayver. Kaya nauna na siyang maglakad palabas ng room.

Dalawang araw din akong nakulong sa ospital because Mom won't let me go hanggat hindi raw ako naki-clear ng doktor. Sabi ko na naman sa kanya na okay na talaga ako pero ang tigas talaga niya. Hays, like mother like daughter nga naman.

Dumiretso na kaming tatlo sa parking lot at matiwasay na nakarating sa bahay. Akala ko sasalubungin kami ni Dad sa labas pero wala siya. He's not the same anymore. Simula nung magrebelde kaming dalawa ni Rayver, he never cared again. He was back to his cold side again, right before Mom met him.

Pina-akyat na rin ako ni Mom sa kwarto ko para makapagpahinga. Actually, okay na naman talaga ako eh. They're just being paranoid, para namang malala 'yong nangyari sa akin.

Pagpasok ko sa kwarto ko, malinis na ang lahat. Hehe hindi naman 'to ganito kalinis nung naiwan ko. Bilib talaga ako kay Rain, napaka organize niya kung maglinis. Pwede na siyang bigyan ng award na hmmm ano ba dapat ? Aha ! The Most Organize Servant hahahaha. Ewan ko naman dun.

Nahiga ako sa kama ko and reminisced everything that happened that one afternoon. Nung dinalaw niya ako sa ospital at nagka moment kaming dalawa. Nung nayakap ko siya ng napakatagal at hindi sya nagreklamo. Nung inaagaw niya ang phone ko para tingnan ang picture. If I know hahahaha gusto niya lang ipasa 'yon sa phone niya. Sana pala binigay ko nalang noh ? Hahaha.

*beep* *beep*

I handed my phone na nasa side table.

From: Besh Neri

Malapit na ang Foundation Day beh, na-assign na naman tayo sa the usual booth kaya be ready mwaaa :*

Oo nga pala malapit na 'yon haha this would be exciting you know.

I typed back.

To: Besh Neri

Yiz hahahahaha let's make this historic besh marami tayong bibiktimahin sa araw na 'yon. Yaaah a hokagirl is always ready. Get your boobs and butt packed up hahahahaha.

*Sent*

I sighed. I have to go to school now. Kaagad akong naligo at nagpalit ng uniform. We have a lot of brainstorming to do para sa Foundation Day.

Pagkatapos ng make-up ritual ko dahan-dahan kong pinihit ang pinto. Kailangan walang makakita sa akin, well yeah except Rain, lagi naman akong nahuhuli nun.

Sinilip ko ang labas, "Sneaking ha ?" napasinghap ako sa gulat. What the fudge ! Bigla ba namang isinilip rin ang mga mata niya -,- Bwiset talaga siya !!

"Fvck it Rayver. You almost lead me to death." I said habang nilalagpasan siya sa hallway.

"Oh really ? Eh diba dapat patay ka na ngayon kasi ginugulat ka lagi ni Jake sa pagre-reject niya sayo ?" nilingon ko siya at tinaasan ng kilay.

"What do you want ?" sabi ko habang nakahalukipkip.

"Where are you goin' ?"

"Obvious ba ? Sobra naman yatang nalason ng mga tisoy na amerikano at amerikana ang utak mo at hindi mo alam na uniform tong suot ko." pagtataray ko sa kanya.

The Hokagirls ❤ #Wattys2016Where stories live. Discover now