Chapter 1

43 4 2
                                    

Ayesha's POV

"Bebs? Ano okay ba yung ginawa ko kay bebe kervs ko ?" pambungad na tanong ko sa dalawa kong beastfriends na nakatambay ngayon dito sa canteen.

"Hindi." nakasimangot na sagot ni Neri.

"Ampanget besh." diring-diri namang saad ni Shy.

Eh kung pag untugin ko kaya silang dalawa eh noh ? Sobrang effort ko na nga yun eh, napagalitan pa ako ng Dean nun kasi naka istorbo daw ako sa buong University. Tapos sasabihin lang nilang hindi maganda at sobrang pangit ng ginawa ko ha ? Asan na ba ang hustisyang pinapatupad ni Daddy Duterte ha ? Huehuehue. Ansheket !!

"Besh, alam mo na. Wag lang simpleng galawan ang gawin mo." sabi ni Neri na ngayon ay nakatingin na sa pinagpapantasyahan niyang lalaki.

"So ano na nga?"

"Galawang Hokage !!" sabay nilang sigaw sa akin. Eh ? Ano 'yon ?

"Ha?"

"Besh, saang lupalop ka ba ng mundo itinago ng nanay mo ha ? At wala ka man lang alam kung ano 'yon. Naku, nababanas ako sayo besh." naiirita nang sabi ni Shy.

Jusko 'tong mga babaeng 'to. Nahawaan na ba ng mga alien ang utak nila ? Kung anu-ano nalang kasi ang pinagsasasabi eh.

Tinitigan ko lang sila with my 'just elaborate look'. Sana makuha kayo sa tingin mga besh.

"Okay payn. Ganito kasi yan."

At 'yon na nga halos isang oras din silang nagpapalit palit ng talak sa harapan ko habang ako naman focus na focus sa sinasabi nila.

"Aaah." nagpatango tango kong sagot.

"Oo yun na yun." hingal na sabi ni Neri. Ganun ba yun kahaba talaga ?

Mwahahahaha humanda ka sa akin ngayon Bebe Kervs ko. Tingnan natin kung hindi ka pa mai-inlove sa akin nyan.

---------

Jake's POV

Sh*t ! Just the thought of what happened awhile ago just pisses me off . Ano bang kinakain ng babaeng 'yon ? Kailan ba sya titigil sa pangungulit sa akin nyan. Aish !!

Dumiretso na ako sa susunod kong class. Dahil sa punyetang babaeng yun hindi tuloy ako nakapasok sa first class ko. Bwiset talaga.

Pagkapasok ko palang sa loob ng room, lahat ng mata nakatingin na sa akin. As expected -,- Sino ba namang gago ang hindi pag-uusapan kong babae mismo ang nag-alok ng date sayo.

Umupo ako sa pinakalikod na bahagi ng room. Hanggang ngayon nakatingin pa rin sila sa akin at pinagbubulungan pa ako. Can't they just mind their own business ? Nakakabwiset na masyado eh.

"Oy bro. Ang swerte mo kanina ah." bigla siyang umakbay sakin. Tiningnan ko ang kamay niyang nakaakbay ngayon sa balikat ko. Close ba kami ?

"Just get your hands off me." pasensyoso kong sabi.

"Alam mo kasi pare, halata namang gustong-gusto mo yung nangyari kanina eh. Isa ba namang Ayesha Lopez ang mag-aya sayo ng date diba ?" sabi niya ng hindi pa rin tinatanggal ang kamay niya sa balikat ko. Kalma lang Jake, kalma lang.

Hindi ko siya sinagot. Ayaw ko ng gulo. Magkamali lang siya ng pagkasabi papatulan ko na talaga tong mukhang butiki na lalaking 'to.

"Oy pre ? Ano ? Ikaw na nga inaya ikaw pa 'tong choosy. Eh lahat naman tayo alam na sa kama lang din ang punta nyo."

Hindi na ako nakapagpigil. Kinwelyuhan ko 'yong lalaki at itinaas siya, "Don't you dare talk to me like that. Or else I'm going to haunt you to death." Itinulak ko siya palayo sakin.

The Hokagirls ❤ #Wattys2016Onde as histórias ganham vida. Descobre agora