Chapter 2

32 4 2
                                    

Jake's POV

Simula nung nangyari na ayain ako ng Ayeshang 'yon ng date, hindi na ulit naging payapa ang stay ko dito sa University.

Halos araw-araw kami ang pinag-uusapan ng buong studentry. Naging trending topic pa to sa school website at sa bulletin at panigurado magiging highlights din 'to sa school paper.

Simula din ng araw na 'yon hindi ko na ginusto na mag stay sa mga public areas ng school, kaya nandito ako ngayon sa school garden.

Tinanaw ko ang buong garden, ngayon ko lang napansin ang lugar na 'to sa buong campus kaya may advantage rin pala ang panggugulo ni Ayesha sa buhay ko.

"Malungkot mag-isa." nagulat ako ng may magsalita galing sa likod ko mismo. Sa sobrang lapit nya sa tenga ko damang-dama ko ngayon ang hininga nya na tumatama sa batok ko. Sh*t ! Biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko.

Sobrang sensitive pa naman ng batok ko -,- Argh !

Nilingon ko siya pero di pa rin sya umaalis sa posisyon nyang 'yon kaya nagtama agad ang ilong namin. Isang pulgada nalang talaga ang kulang at magtatama na ang mga labi namin.

Nanlaki ang mga mata ko pero siya ang lapad lapad ng ngiti. Tiningnan ko ang mga mata niya na halatang ang saya-saya ng mga 'yun. Pumadausdos ang tingin ko papunta sa labi niya, ang pula ng mga labi niya. Di na siguro kailangan ng lipstick para papulahin pa. Bigla niyang kinagat ang labi niya, argh sh*t ! Her lips are tempting me !!

Umiwas agad ako, bwiset na babae !! Ano bang kinakain nito ?

"What the fvck are you doing here ?" iritang tanong ko sa kanya at umayos ng upo.

"Who ? Me ? Palagi kaya ako dito. Inii-stalk mo ko noh ?" tapos bigla niyang sinundot sundot ang tagiliran ko.

"Stop that." saway ko sa kanya.

Umupo siya sa tabi ko at humilig siya sa puno na inuupuan namin at ipinikit ang mga mata niya. Tiningnan ko siya, sabi nila maganda daw sya eh hindi naman eh. Para kaya syang abnormal na Hello Kitty lalo na sa headband niya na Hello Kitty.

"Baka matunaw ako." natauhan ako sa sinabi niya. Pano niya nalamang nakatingin ako sakanya ? Aish .

"No friends eh ?" tanong niya sakin.

Hindi ako sumagot at wala akong balak sagutin 'yon. Kumukulo talaga ang dugo ko sa babaeng to.

"Pag ikaw di nagsalita mapapanis yang laway mo. Magkaka badbreath ka. Tapos ma tu-turn off ako sayo." bigla siyang humagikhik. She's crazy. A crazy Hello Kitty look-alike.

Hindi ko pa rin siya kinibo, bahala ka sa buhay mo dyan. Sana naman noh, magsawa ka sa kakatalak dyan ang rindi-rindi sa tenga eh.

Bigla siyang tumayo at humarap sa 'kin habang nakapamewang. Dahan-dahan ko siyang tiningnan. Nakaboots na sapatos, ang kinis ng legs niya, ang iksi pa nang palda niya, tsaka sobrang sikip ng upper uniform niya kaya halatang-halata na malaki 'yong ano niya. Alam nyo na kung ano 'yong "ano" na 'yon.

Ginulo ko ang buhok ko am I being a pervert here ? Hindi ko na siguro kasalanan 'yon, binabalandra ba naman ang katawan niya sa harapan ko -,-

Tao rin ako nagkakasala, tsaka lalaki pa. Gago talaga ! Natutukso rin ako noh .

Bigla niya akong hinila, "Laro tayo. Pleaseeeeee." tapos nag puppy eyes pa ang loka.

"Ayoko." I said firmly but she didn't let go of my hand.

"Sige na naman. Pleaseeee ?"

"Ayaw nga." sabi ko at hinablot na ulit ang kamay ko.

Tinalikuran ko na siya at aalis na sana pero bigla niya ulit akong hinila at niyakap ako.

The Hokagirls ❤ #Wattys2016Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum