"After this, punta tayong grocery babe," sabi ni Zairah tapos nagsubo ng lasagna. "Oo ba," tugon ni Chad na magana ding kumain dahil nahawa sa kanya.


Pagkatapos nga nilang kumain ay nagtungo sila sa grocery. Tapos nun ay sa bahay sila ni Chad dumiretso.


"Babe, ba't di mo sinabing lalaki ang ob mo?" tanong ni Chad. Nasa sala sila noon at nakaupo sa couch habang nakaakbay si Chad sa kanya at nakahilig naman yung ulo niya sa balikat nito. "Why? What's wrong if my ob's a man?" takang tanong niya. "Eh kasi..." nag-aalangan pa si Chad. "What?" naiinis niyang tanong. "Di ka ba naiilang sa kanya na makita yang tiyan mo?" tanong ni Chad. She smirked. "Why should I? He's a great obgyne at anak ng kaibigan ni mommy tsaka I trust him especially kapag nanganak na ako. Siya na nga ang nakaschedule na magpapaanak sa'kin eh," tugon niya.


"What?" Nanlaki ang mga mata ni Chad. Natawa naman siya sa reaksiyon nito. "Babe, yung babaeng obgyne na lang ang magpapaanak sa'yo. Wag lang dun sa lalaking yun," matigas na sabi ni Chad. "Ano bang problema mo?" nagtataka talaga siya. "Basta! Ayoko!"


A mischievous smile formed on her lips. "Are you jelly?" tukso niya rito. "Jelly?" takang-tanong naman nito. "Jelly as in jealous...yung nagseselos," di pa rin maalis ang ngiti sa labi niya. "Ako? Nagseselos? Hindi ah!" todo-tanggi nito. "Sus, halata naman eh," natatawa niyang sabi. "Ba't naman ako magseselos?" paangil nitong sabi. "Aba! Ewan ko sa'yo!" Natahimik bigla si Chad. Pagseselos nga ba yung nararamdaman niya? He's not sure cause everything that he is feeling is new to him.


"Babe, wag ka nang magselos. He's professional and besides, ikaw lang ang mahal ko," malambing niyang sabi sabay yakap ng mga braso sa batok ng fiance. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ni Chad. Kung dati ay wala lang sa kanya kapag napapadikit sa katawan niya si Zairah pero ngayon para bang bigla siyang nag-iinit. Bumibilis ang pintig ng puso niya. Para bang nagwawala ito. Kaya napalunok siya.


"Nga pala babe, baka di ako makadalaw sa mga susunod na araw. Malapit na kasi ang valentines at ako ang VP sa student council. Kaya magiging busy kami for the week long celebration ng valentines," sabi ni Zairah. He felt sad about it. Just thinking that he's not going to see her for days made him feel lonely. He's used to seeing her everyday. "Ok lang babe, I understand," sabi niya pero deep inside, parang gusto niyang hilingin sa dalaga na sana wag na lang itong mag-asikaso para sa event pero naisip niya na importante naman yun tsaka nahihiya rin siya kay Zairah na sabihin ang totoo.


Kinahapunan, ay nagluto si Zairah ng dinner. "Anong lulutuin natin?" tanong ni Chad. "Beef steak, paborito mo yun eh," sabi niya. Nakaupo si Chad sa isang stool at mataman siyang pinagmamasadan.


She looks sexy even she's 3 months pregnant. Di pa naman kasi halata ang tiyan nito at nasa tamang place pa rin naman ang mga curves nito sa katawan. There's something urging him to hug her and he can't stop it. So he stood up and hugged her.


Naramdaman na lang ni Zairah ang pagyakap ni Chad sa kanya mula sa likuran. She stopped on slicing the onions and closed her eyes, feeling the moment of being trapped in his arms. Ramdam niya na mahal na siya uli ni Chad. They went like that for a long time. Kung di pa nila narinig ang isang tikhim ay di pa sila mapapahiwalay. Sabay pa silang napalingon upang malaman kung sino ang tumikhim. "Mom!"

Buenavista Series 2: ZairahWhere stories live. Discover now