Prologue

256 106 76
                                    

Paano kung ang taong mahalaga sayo ay pagmamay-ari din ng iba?

Paano kung ang inaakala mong ikaw lang sa buhay niya ay hanggang salita lang pala?

Paano kung sa bawat matatamis na salitang kanyang binibitawan ay pawang nababanggit din niya sa iba?

Paano kung sa bawat pagtatapos ng araw niyo ay siyang pagsisimula ng araw niya sa piling ng iba?

Payag ka ba?

Payag ka bang may kahati ka sa oras at atensyon niya? Lalong-lalo na sa puso niya?

Maskara.....

Bawat palit ng maskara, katumbas ay patak ng luha

Bawat takbo,
kahulugan ay panibagong kasama

Bawat ngiti ay may kakambal na paghihinagpis

Sa yakap ay biglang kakalas
upang sa iba ay umangklas

Ito ang kapalaran....

Ng babaeng nabubuhay sa likod ng maskara,

Maskarang  maaaring may hatid na saya

lungkot

tamis

pait

Katiwasayan

o

Kaguluhan....



Date: June 15, 2018

Tahimik akong nagsusulat sa pahina ng aking diary ng biglang may narinig akong kaluskos sa isang sulok. Dahan-dahan akong napatayo sa kinauupuan ko sa harap ng lamesa kung saan nakalapag ang aking diary.

Pinapakiramdaman ko kung saan ba nanggagaling yung tunog ng kaluskos pero wala naman akong nakita. Akmang uupo na sana ako para bumalik sa pagsusulat ng may marinig naman akong sitsit.
"Psst, nandito kami"

Dahan-dahan kong nilingon ang gawing kanan kung saan ko narinig ang boses. Napatingin ako sa salamin na naka-pwesto doon at laking gulat ko nang iba ang kinikilos nito sa ginagawa mo. Nakaupo ako ngunit ito ay nakatayo. Kinusot ko ang mata ko baka kasi namamalik-mata lang ako pero walang nagbago.  Tinaas ko pa ang kamay ko na parang nagre-recite baka sakaling gayahin ng babae na nasa salamin pero imbes na gayahin ay pagtaas ng kilay niya ang nakita ko. Sarkastiko ako nitong tinawanan kaya doon na ako napatayo.
"S-sino kayo?! Bakit nandito kayo?" Nanginginig na tanong ko.

"Hindi ka pa rin ba sanay sa presensya namin?"

"Hindi ko kayo kilala!" Matapang na sagot ko.

"Oh c'mon Donna. Kilala mo kami, matagal na."

"Hindi! Di ko kayo kilala kaya tigilan niyo na ako!"

Sarkastikong ulit silang tumawa.
"Donna, kami ay ikaw at ikaw ay kami. Tayo ay iisa sa ayaw at sa gusto mo"

Umiiling akong tumingin dito at unti-unting umaatras.

"Hindi..... Hindi totoo yang sinasabi mo!"

"Ito ang totoo Donna"

Nakita kong unti-unti din siyang naglalakad sa loob ng salamin kaya mas lalo akong umatras.

"Hindi!! Wag kang lalapit!"
Pero imbes na makinig ay mas lalo itong lumapit. Lalo akong nataranta ng makita kong hinakbang nito ang mga paa at

At

At

NAKALABAS NA SIYA SA SALAMIN!

Nataranta ako sa pag-atras kaya hindi ko na namalayan na nasagi ko na pala ang lamesa at nahulog ang mga laman nito. Mabilis akong nagtatatakbo sa pintuan ng kwarto ko at binuksan ito.

Nasa pasilyo na ako ng buong second floor nang maramdaman kong may humatak sa mga braso ko. Napasigaw ako nang makitang sila ang nakahawak sa akin ngayon. Kinaladkad ako ng mga ito pabalik ng kwarto ako, binitawan lang nila ako ng nasa tapat na kami ng salamin.

"Ang damot mo naman Donna iisa lang naman tayo."

"Para namang iba na tayo sa isa't-isa"

"Kaya bilang parusa, ikaw muna ang papasok sa salamin!!!" Nakita ko ang ngiti sa mga mukha nila. Isang nakakakilabot na ngiti.

Muli nila akong hinawakan sa mga braso at sapilitang idinidikit sa salamin, dahilan para mabasag ito. Malakas ang naging impact nito kaya kumalat at tumalsik ang mga bubog nito sa amin. Alam kong natamaan din sila dahilan para marinig ko ang sigaw nila at mabitawan nila ako.

Napahawak ako sa pisngi ko nang maramdaman kong may mahapdi dito. Napatigagal ako ng makitang may dugo ito.

AYOKO SA DUGO!

Unti-unti ako nawalan ng malay nang makita ito hanggang sa naging itim ang buong paligid.

Nagising ako sa isang kalabog. Psh, panaginip lang pala ang lahat. Napasilip naman ako sa kung saan nanggaling ang tunog.

Pusa!

Isang pusa lang pala. Haaays.

Napalingon naman ako sa harap ko at doon nakita ko ang sarili ko sa harap ng lamesa. Ah. Nakatulog pala ako habang nagsusulat sa diary ko. Anong oras na ba?

12:15 pm

Hating-gabi na pala. Naguunat-unat ako habang tumatayo para pumunta na sa kama ko.  Naramdaman kong may mahapdi sa pisngi ko kaya kinapa ko ito at nagulat ako ng makitang may dugo ito.

Anong.....

Ibig sabihin nito?

Napalingon ako bigla sa salamin.

Mas lalo akong nawindang ng basag na ito. Sa isang iglap nakita ko nanaman silang nakatayo sa harap ko.

"Wala ka nang kawala Donna"

HINDIIIIIII!!!!


******
Author's note (Naks😂)

Hi!!! Comment your reaction guys😃😃

IncognitantWhere stories live. Discover now