Chapter Thirty-Two

Magsimula sa umpisa
                                    

"Wala."

"Are you wearing it?" Tanong ulit niya.

"Wear what?"

"The bracelet, you noob." Sumingkit pa lalo ang mga mata niya habang sinabi yun. Wow, na-noob pa nga ako!

Itinaas ko yung right arm ko at pinakita sa kanya.

Napangiti naman ang mokong.

Enebeh, tuwing naaalala ko yung nangyari sa rooftop, nahihiya ako sa kanya. Naalala pala niya na monthsary namin nun? Samantalang ako, wala, nakalimutan ko pa! Nasabihan pa tuloy niya ako na makakalimutin, troublemaker, noob, baliw, at kung anu-ano pa. Syempre, hindi naman ako papayag na hindi makakaganti kaya nung natutulog na siya sa sofa sa loob ng suite namin, nilagyan ko ng drawing yung mukha niya. Hahahahahaha! Imagine the look of horror on his face nung pagkagising niya! Buti nalang naunahan ko na siya bumaba nun sa breakfast buffet, kundi, lagot ako. Hahaha!

--

"Taray ng bracelet mo, bestfriend!" Puna ni Alice nang kumakain na kami sa cafeteria, at himala, sumama si Lance. Alam niyo naman ang isang 'to, palaging tambay yan sa rooftop. Hindi ko nga alam kung kumakain yan eh.

Nginitian ko si Alice. Nahihiya ako eh, bakit ba?

"Saan galing?" Tanong pa niya.

"Dun." Nginuso ko si Lance na kasalukuyang bumibili ng drinks namin. Ewan ko ba, kayo ba hindi niyo napapansin na iba na si Lance this past few days or weeks? Hindi na siya ganun kasungit at nasa dictionary na rin niya ang salitang SOCIALIZATION.

Bago pa makasagot ni Alice ay dumating na si Lance, napansin ko din na napatingin siya sa right wrist ni Lance kung saan nakasuot doon ang silver na katernong bracelet ng akin.

"Eh di kayo ng sweet!" Alice exclaimed. Natawa nalang ako, si Lance naman ay tahimik lang na ininom ang banana shake niya.

--

Third Person's POV

"Ma'am, may nag-hahanap ho sa inyo, Mikael daw." Sabi ng isang kasambahay sa babaeng nasa loob ng study area ng isang mansion.

"Papuntahin mo dito." Utos ng babae dun sa kasambahay.

Mission Impossible: Dating Lance Go [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon