Chapter 1

398 10 0
                                    

"Cancer. We have been battling this plague for decades already. But until now, no one has unlocked the cure for this dreaded disease."

Hindi mapakali sa upuan si Anette habang pinapakinggan ang presentation ni Dr. Eric Natividad, isang Cancer Immunologist. Nilibot niya ang mata sa malaking board room ng SYNerGy Pharma, ang nangungunang pharmaceutical company sa Pilipinas. Kabado niyang sinilip ang reaksyon ng limang Board of Directors. Hawak nila ang susi sa nag-iisa niyang pangarap.

"We are a group of Filipino doctors, engineers and researchers with high hopes. Equipped with knowledge and spirit, we aim to discover the cure for cancer." Walang kakurap-kurap na patuloy ni Doc Eric.

"Engineer? Bakit meron kayong engineer sa team ninyo?" Hindi pa man nailalatag ng grupo ang project proposal nila ay nakataas na agad ang kilay ni Biatrice Sy, isa sa mga Board Members.

"To answer your question Madam Beatrice, let me introduce Engr. Anette Costales. She is no longer a stranger to the company, I presume. She is your scholar."

Ramdam ni Anette ang mapanuring mata ng mga tao sa loob ng silid nang ipakilala siya ng doktor. Hindi siya sanay sa atensyon. Dumoble ang tibok ng puso niya, pero nagawa pa rin niyang ngumiti.

"Yes, she is." Pagkumpirma ni Lawrence Ng, ang Chairman, President at CEO ng kompanya at pinakabatang miyembro ng Board. "Ms. Costales, I'm glad to see you again." Seryosong bati ng binata.

"Good morning, Mr. Ng." Sagot ng dalaga kay Lawrence. "Good morning to all members of the Board." Tumango si Anette sa direksyon ng mga negosyanteng Tsinoy. "Like what Dr. Natividad mentioned, I am one of the scholars of SYNerGy Foundation. I am a graduate of Electrical Engineering at the Mapua Institute of Technologies. But because of your company's goodwill, I just finished my Masters Degree at Princeton University in New Jersey, USA. I am now back, together with a group of experts to propose a breakthrough in Medicine and Engineering. We will be introducing the latest trends in Nanotechnology here in the Philippines, focused on Biotechnology."

"Enough with the introduction." Naiinip na sabi ni Angelo Ng, tiyuhin ni Lawrence. "Can we now proceed to the project proposal?"

Napalunok si Anette. Kahit na pakiramdam niya ay mas malamig pa ang pagtanggap ng executives kaysa sa aircon ng kwarto, hindi pa rin siya nagpa-apekto. Kailangan niyang ipakita sa Board ang potential ng project.

"Year 2009 nang madiscover ang potential ng bee sting para labanan ang cancer dahil sa chemical nitong Melittin. Kumpara sa chemotherapy, ito ay all natural at walang side effects. The challenge is to inject the bee venom directly to the cancer cells."

Huminga ng malalim si Anette. Tinignan niya ang mga kagrupo pangpa-dagdag ng lakas ng loob. "Dito na papasok ang engineering. We will place the chemicals inside a nano-packed pill. Gamit ang Nanotechnology, magkakaroon ng kakayahan ang mga doktor na kontrolin kung saang specific cell kakapit ang gamot na Mellitin. Ang resulta, hindi madadamay ang mga healthy at good cells ng katawan. Kaya hindi bababa ang immune system ng pasyente habang ginagamot ang cancer."

Matiyagang sinagot ni Anette at kagrupo ang mga tanong, kritisismo at pag-aalinlangan ng mg executives. Tumagal ng mahigit dalawang oras pa ang diskusyon. Sa bandang huli, isang alanganing sagot pa rin ang natanggap nila.

"Thank you for presenting your proposal. We will review this further and get back to you as soon as the Board has come to an agreement." Wika ni Lawrence.

Naiintindihan ni Anette. Hindi biro ang tatlong daang milyong piso na budget proposal para sa cancer treatment research nya. Pero hindi sya pwedeng mawalan ng pag-asa. Dahil isang mahalagang tao ang dahilan ng lahat ng ito.

101 Ways to Love AnetteDär berättelser lever. Upptäck nu