Pero naka off pa rin ang phone nya. Ibig sabihin, ayaw nya parin akong makausap. Kung pipilitin kong mag paliwanag sa kanya nang wala sya sa mood, baka mas lumala lang ang away namin. Mamaya pag uwi ko sa bahay, saka nalang kami mag uusap. Alam ko namang uuwi yun e. Kahit galit yun.. uuwi yun.. Kung hindi naman, tyak nasa bahay yun ng kaibigan nya.
"Cheers!"
Umiinom kami ngayon. Beer lang naman. Bat parang ang bilis kong tamaan ngayon?
Sabagay.. Hindi na rin naman ako umiinom. Matagal tagal na din mula nung huli akong makatikim ng alak.
"Na contact mo na ba?" nagulat nalang ako ng biglang nasa tabi ko na si Joanne. Kanina lang nasa isang side sya ng table katabi yung manager nya. Hindi naintindihan yung sinabi nya. Ang ingay kasi.
"ANO?"
Ang ingay e. Di ko sya marinig. Lumapit sya sakin. As in yung malapit na malapit na wala nang space between us.
"Sabi ko kung di mo pa ba nako kontak yung asawa mo?"
Ahh.. yun pala sabi nya.
"Di pa." sagot ko.
"Yaan mo muna sya, baka nag papalamig lang ng ulo."
![](https://img.wattpad.com/cover/740061-288-k945367.jpg)
ESTÁS LEYENDO
SECRETLY MARRIED FANFIC
FanficThis is a fan fiction. Based on Secretly Married written by an author named Glimmer.💖
Loud yet gorgeous :)
Comenzar desde el principio