Chapter 36: Student ko noon

Start from the beginning
                                    

Then, katulad ng nasa plan, nanood kami sa sinehan. Hindi ko alam bakit lagi after ko magcine, super gulo ng buhok ko. Kaya tama lang na after cine kami magpaparlor.

Hindi kami pareparehas ng gupit. Ako, naglakas loob akong paiklian ng sobra. *ehem* Nagmumove on kasi. (Nasa mm yung haircut ni Berry)

Ofcourse, di nawala ang groufie namin at post agad sa fb.

Hindi na kami nagtalo sa kakainan ng dinner, kung ano na lang malapit sa salon kami pumunta. And restaurant ito kaya di na namin need pumila sa cashier at kung ano man.

Habang hinihintay namin dumating yung inorder namin, nagdaldalan sila. Ako naman, nakatingin lang ako sa labas ng restaurant, tinitignan ang mga taong dumadaan.

"Uy, look si hipon oh!" Pagturo ni May doon sa babaeng nakita namin sa may Oxygen.

Medyo malayo pa siya. Yung hallway kasi na nilalakaran nila ay perpendicular dito sa restaurant namin. Naglalakad sila papunta sa amin, at siguro liliko paparallel dito sa restau.

"Natandaan mo pa ah?" comment ni Rachel.

"Papable kasi yung kasama niya eh, kaya tinandaan ko talaga yung face nung babae. Para alam ko sinong makakaaway ko kapag akin na si papable," lokang sabi ni May.

"Pero wait, parang hindi si papable kasama niya," pagpuna ni Charlotte.

Napatingin ako dun sa lalaking kaholding hands niya. Ang sweet sweet nila. At oo nga, iba na yata ang kasama niya. Nakacap tong lalaki at iba ang suot. Ofcourse, hindi naman dahil iba na ang suot, hindi na siya yun. Iba din kasi talaga yung posture tsaka yung katawan. Yung lalaki ngayon, mas matangkad sa kasama ni girl kanina.

Nang nakalapit na sila dito, hindi ako nakahinga. Hindi ko din maalis ang tingin ko sa kanila. Naramdaman ko na lang na hinawakan ni Mayree yung kamay ko.

"Bes..." "Berry..." sasabay sabay nilang sabi.

Nung natauhan ako, agad akong lumabas ng restaurant para habulin sila. Narinig kong sinisigaw ni May yung pangalan ko, pero di ako lumingon. Kailangan ko silang maabutan. Kailangan ko siya.

"Jake," sabi ko nung nasa likod na nila ako. Napatigil naman sila at lumingon lang ang babae na nakacling na ngayon sa braso ni Jake.

"Kilala mo siya hon?" tanong ng babae.

"Oo, student ko noon."

Ouch. Student noon? Hindi man lang childhood friend? Student lang talaga?

"Oh hi! Magaling ba magturo tong honey ko?" tanong niya gamit ang matinis niyang boses. Nakakarindi.

"Pwede ko bang makausap si.... Sir?" alam kong narinig nila ang pakikiusap sa boses ko. Kahit na magmukha akong kawawa, wala akong pakialam, basta makausap ko lang si Jake.

"Bes!" sabi ni May sabay hatak sa akin. "Balik na tayo doon." Pilit niya pa akong hatakin pero nagmatigas ako at hindi nagpahila.

"May, kailangan ko to. Please," pagmamakaawa ko ng mahina dito. Binitawan niya naman ako at binigyan ng tingin na 'last na dapat yan' kasi nga, nagpromise kami sa isa't isa na iiwan na ang masasamang alala sa nakaraang taon. Dapat newly improve self na ngayon.

"Ahm.. Titingin lang ako sa mga stores, honey. Call me if done na kayo," sabi ng hipon at umalis pagkatapos kumiss kay Jake. Bumalik na din sa restau si May noong sinabi kong 10 mins lang to.

Pumunta kami sa parking lot ng floor kung nasaan ko kami nagkita. Para na din tahimik at kakaunti ang tao.

"Kailan pa kayo?" tanong ko agad.

"First week of December," walang alinlangan niyang sagot.

"Ah, habang tayo pa pala..."

Hindi ko na alam sasabihin ko. Hindi rin siya nagsalita.

Masakit na kaya niyang gawin sa akin iyon. Masakit na ngang nakipaghiwalay siya ng walang dahilan tapos umalis eh. Ngayon naman, kaya pala siya nakipaghiwalay dahil may iba na.

Habang kami pa...

"Why?"

"I don't deserve to be kept hidden."

"That's it?" May ineexpect akong mas malalim pang reason, because I know that we have that deep connection na hindi masisira lamang ng pagiging tago ng relationship namin.

Wala siyang sinagot. Nag init ulo ko, all this time na mabaliw ako kakaisip ng dahilan bakit siya na fell out of love, yun lang?

"Ang selfish mo naman Jake. You don't deserve? So ako? Deserve kong lokohin at iwan ng ganun ganun na lang? From the start, alam mo namang may limits ang relationship natin. Konting time na lang naman eh, pwede mo ng ipagsigawan na girlfriend mo ako. Para sayo din naman yun eh. Bakit ha? I know hindi lang yun ang dahilan? Ano pa jake?"

Hindi pa din siya nagsalita. Yung mukha niya, walang emotion. Ako naman, hindi umiiyak. Nakakagulat nga eh, naubos na din pala.

"Ano pa bang pagkukulang ko?"

"Wala."

"But why?" Nabalik nanaman ako sa tanong ko na yan.

"She makes me feel alive." Naramdaman ko ang sobrang sakit ng puso ko pero hindi pa din ako makaiyak.

"So, you're saying that I don't?"

Another silence.

Napasigh ako.

"Masakit, Jake, mahal na mahal kita eh. Akala ko okay lang na mahal natin ang isa't isa. Na wala na tayong hihilingin pa, kasi we got each other. Hindi ko alam na, hindi na pala enough ang love. Na hindi na pala enough ang love ko para sayo. Sana maranasan mo maloko gaya ng ginawa mo sa akin. Masama na kung masama, pero deserve mo yun," sabi ko ng puno ng inis.

"And I just want to say, I don't deserve someone as selfish as you!" Then, umalis na ako.

Without shedding a tear.

And sana, kapag nalaman niyang niloloko lang siya ng 'honey' niya, wag siyang magtangkang bumalik sa akin.

Let Me Be The OneWhere stories live. Discover now