N I N E T E E N T H (SPG)

Start from the beginning
                                    

Napa-igtad ako nang may biglang sumulpot na kalalakihan na ang damit ay pula at itim, I assume na guards ang mga ito base sa uniform nila na pare-parehas at ang mga seryoso nilang facial expression. Dahan-dahan kaming naglakad na akala mo ay papunta kami sa altar. Teka, ang advance yata ng isip ko ngayon.

Kulang na lang ay lumuwa ang mga mata ko at malaglag ang panga ko dahil sa nakikita ko ngayon. Dapat pala ay hiniram ko yung shades nung driver ng limousine kanina. Nakakasilaw ang mga nagkikislapang gamit dito! Jusko buti walang nagtatangkang magnakaw?

Makikita mo rin dito ang mga naglalakihang portrait na nakasabit sa mga pader. Pero anh pinakanakakuha ng atensyon ko ay ang nag-iisang portrait na doble ang laki sa iba. Mukhang iyon ang family portrait pero nakakapagtaka ang damit nilang tatlo, parang... royalties?

I assume na mag-asawa yung nakaupo sa kanilang upuan at ang nasa likod nila ay si Arv–– teka, si Arvin?!

Napatigil ako sa paglalakad at kulang na lang ay takbuhin ko anh portrait na iyon para matitigan kung tama nga ba ang nakikita ko. Napansin ko ring tumigil sa paglalakad si Arvin at nagtatakang nakatingin sakin. Pero hindi ko iyon pinansin. Nagpabalik-balik ang tingin ko sa lalaking nasa portrait at sa kanya.
Hindi nga ako pwedeng magkamali. Siya nga iyon! Siya yung nasa likod ng mag-asawa! Iba ang damit niya doon, napaghahalataang isa siyang prinsipe. Pero ang mukha niya ay blangko. Walang emosyon. Hindi katulad ng mag-asawang may mumunting ngiti sa kanilang mga labi.

"Isa kang prinsipe? Anak ka nila?" sabi ko sabay turo doon sa mag-asawang nasa portrait. Marahan siyang tumango sa tanong ko bilang sagot. "I'm their son, but I'm not a prince as what you think." sabi niya. My forehead knotted. Anong ibig sabihin niyang hindi siya prinsipe? E, ang mga magulang niya ay hari't-reyna!

Napatutop ako sa aking bibig nang ma-realize ang bagay na iyon. Kaya pala napakaraming gwardya, at sobrang laki ng lugar na ito ay dahil isa siyang anak ng reyna't-hari! Isa siyang makapangyarihan na tao!

Magsasalita pa sana ako nang bigla niyang hawakan ang bewang ko at nagpatuloy sa paglalakad dito sa red carpet. May nilikuan kaming daan. Nakarinig ako ng mga yabag sa likod namin kaya lumingon ako at napagtanto kong sumusunod samin ang ibang gwardya.

"Welcome back, your grace."
"Where are the queen and the king?"
"This way, your grace."

Hindi man lang nito binati pabalik yung bumati sa kanya. Sinunandan namin yung lalaki papunta sa hindi ko alam. Tumigil kami sa tapat ng isang malaking pinto. Napatingin ako sa gilid ng pintuan. 'Orientation Area' mahinang basa ko sa nakasulat doon.

Napakapit ako ng mahigpit sa damit ni Arvin nang biglang buksan ang enggrandeng pinto. "Just relax." mahinang bulong nito sa tenga ko.

Halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko kung anong klaseng mga tao ang nasa loob ng orientation area. Mga nakasuot sila ng magagarang damit at slow man ako ng konti, pero alam kong maaring isa din sila sa mga royalty!

Natigil ang lahat sa kanilang mga pinag-uusapan nang bigla silang lumingon sa gawi namin. Sumiksik ako kay Arvin. Nanliliit ako sa mga taong kaharap namin ngayon. Pakiramdam ko, isa akong pulubi na talagang hindi nararapat dito.

"My son." Naputol ang mahabang katahimikan nang may biglang lumapit samin. Napa-nganga ako nang makilala ko kung sino iyon. Siya yung babaeng nasa portrait! Yung nanay ni Arvin! Bumilis ang tibok ng puso ko, dumagundong ang kabang nararamdaman ko. Sobrang ganda niya at wala sa mukha niya ang katandaan pero may konting wrinkles na siya na hindi naman gaanong ka-halata. Napadako ang tingin ko sa pananamit niya. Napaka-elegante at talagang pang-reyna ang disenyo. Natatakluban nito ang kanyang paa at may bahagyang buntot ang gown nito sa likod. Napatingin ako sa korona nito. Halos ikinuyom ko na ang kamao ko para pigilan ang paghawak doon. Nangingintab kasi ang koronang iyon dahil sa mga diamante. At ito ang unang beses kong makakita ng ganon! Harap-harapan!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 13, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Playful Sweet DesireWhere stories live. Discover now