Chapter 10 Gift

Magsimula sa umpisa
                                    

Cge bsta wg k reklamodor ha. Tulungan mo ko mgluto bukas. 2log ka na. Gudnyt.Reply nya. At alam ko hindi na magrereply yun pag naggudnyt na sya kaya pumikit na din ako kahit hindi pa ko inaantok.

~~~

“Ayoko na naiiyak ako pag naghihiwa ng sibuyas! Tsaka ang dami ko na nahiwa kanina enough na yun!” Reklamo ko. Sabi nya kasi magluluto sya ng pancit, sopas, beef broccoli. Napakadami naman yatang sibuyas nitong pinapahiwa saken! Ang sakit sa mata!

“Oops, sabi ko magrereklamo. Di ba ikaw nagvolunteer na tumulong.” Natatawa naman si Julia habang naghihiwa sya ng beans.

“Oo nga pero wag naman masyadong mahirap. Alam mo naman na prinsipe ako diba.” Pagmamayabang ko naman. Inirapan nya lang ako. Kahit papano nasanay na sya saken na parang maangas lang talaga ko sa mga banat ko pero sakin biro lang yun. Kaya hindi na kami masyadong nag-aaway.

“Sige na nga, akin nap alit tayo kaw maghiwa ng beans mejo maliliit lang ha para mabilis maluto.” Bilin pa nya saken. Busy naman si lola nya na inaayos ang maliit na Christmas tree na malapit sa pinto nila.

Maya maya pa naiiyak na din si Julia sa sibuyas na tagalog na hinihiwa nya. Bakit nga ba kasi ang sakit sa mata nun? Siguro kung nahihirapan ka umiyak sa shooting magbaon ka nito ipahid mo lang malapit sa mata mo maiiyak ka na.

“Aist sige na ako na nga ulit jan. Baka sabihin ni lola pinapaiyak pa kita.” Nagbiro nanaman ako at kinuha ang kutsilyo sa kanya.

“Sure ka?” Tanong naman nya pero inabot na nya sakin ang panghiwa, natural di na ko makakatanggi.

“Kailangan kasi sa sopas para masarap, madaming sibuyas. Tapos walang bawang para hindi magkontra yung lasa ng bawang sa gatas na sabaw nung sopas.” Paliwanag nya saken. Masarap magluto itong si Julia. Kahit si Mama bumilib sa kanya minsan ng ipagluto nya ko ng spaghetti one time nung pagod na pagod ako tapos di ko alam kung ano talaga gusto kong kainin.

“San mo ba natutunan magluto?” Tanong ko sa kanya.

“Kay lola.” Sagot lang nya pero napansin kong umiwas sya ng tingin sakin. Hmmm lagi kasing lola lang nya ang naririnig ko sakanya. Ayaw ko naman tanungin kung nasan ang nanay at tatay nya dahil baka isipin nya masyado kong matanong.

“Ahm Julia, pwede bang dito na din ako magpasko? Busy kasi si Mama sa pag-ayos ng sched ko tska may appointment sya importante daw kaya gagabihin sya. Mga kapatid ko naman may kanya-kanyang lakad yun pag pasko.” Sana maniwala si Julia sa alibi ko. Masyado kong frustrated pag pasko dahil kay Papa. Ayaw ko sa bahay. Isa pa, mukhang maganda yung samahan ng family nila Julia gusto ko maexperience yung ganong pasko.

“Ang weird nyo naman. Pasko pero di kayo magkakasama.” Sabi nya. Alam nya na dating artista at ngayon pulitiko na ang tatay ko. Si Mama naman laging busy dahil iba iba din ang raket bukod sa pagtayong manager ko.

“Sige na pumayag ka na. Wala nga kasi akong kasama. Ayaw mo ba nun may guest pa kayong celebrity sa pasko.” Pakiusap ko sa kanya in way na parang nagbibiro lang. Ayoko din naman kasi mahalata nya na im desperate na makaiwas sa bahay sa pasko. At alam ko din na magiging Masaya ko kung sya ang kasama ko sa pasko. Simula nung magkaayos kami, lagi na ko Masaya pag sya yung kasama ko. Dumating pa nga sa point minsan na pinagpalit ko yung pagsama sa mga barkada ko para lang samahan ko sya gumawa ng project. Ang weird nga pero ang saya saya ko kahit na parang nasayang lang naman oras ko kakapanood sa ginagawa nya.

~~~

“Alam mo, ito yata pinakamasayang pasko. Lagi kasing malungkot sa bahay.” Hindi ko alam kung bakit nageemote ako. Epekto ba ng beer na pinainom sakin kanina ng pinsan ni Julia? Nahiya naman kasi akong tumanggi kahit na hindi ako umiinom talaga ng madami tska may okasyon naman.

Pasaway Ka! (JulNiel FanFic) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon