Chapter Thirty Five - Do You Love Him?

Magsimula sa umpisa
                                    

“Ewan ko ah, it’s my opinion lang. It’s how I understand it, hindi to exact ng talagang nararamdaman ni Paga (Nickname namin kay Paige). Kurt, you do know na the five of us have been friends for more than 10 years. Alam natin ang sikreto ng bawat isa at mga pinagdaanan din. Paga knows about  our trainings since we were kids, kasi nga you’re the successor of the RF. Remember the time nung nahuli mo si Paige na nagsasanay on her own? Sobrang nagalit ka sakanya, umasta kang parang tatay sakanya kahit na pareho lang kayong eleven years old non. You see, Kurt. Yun lang ang naiisip kong dahilan kung bakit napagod si Paige. You’re overprotective.  Maybe, the way she sees it is hindi mo siya mahal romantically but sort of a sibling-way lang. “ Ang naging explanation niya.

Noong una, sinubukan  ko ulit siyang amuhin, pero nang umayaw ulit, tumigil na ako.

Nakakapagod kasing ipagsiksikan ang sarili sa taong pilit kang nilalayuan.

--------

Kaya dito na pumasok sa eksena si Athena.

To tell you the truth, noong una ay I was just having fun. Kasi first time kong maka-encounter ng babaeng inayawan ako ng ganoon (minura na ako, hindi pa siya takot saakin). Akala ko talaga, hanggang doon lang iyon. Yet once again, I was wrong.

Kasi isang araw, I found myself overthinking things about kay Athena. Wala nang ibang laman ang utak ko kung hindi si Nerd, si Athena. Siya lang, siya nalang palagi. Kaya naman I gambled with fate again, sinubukan kong magmove on na talaga,  siguro noong una rebound nga talaga si Thene. Pero I swear to God, mahal na mahal ko na talaga iyong sigang iyon.

 Mabilis talaga e, aminado naman ako doon. Mabilis nag mga pangyayari, lalo na para sakin dahil hindi ko akalaing mabilis din siyang mawawala saakin.

All because of the Raven Tattoo.

Itong Raven Tattoo na kailangan sa Ravens, lahat ng mga miyembro nito ay mayroong tattoo sa pulso nila. It’s a life-long commitment kasi. Pero dahil ako ang tagapagmana nito, I can choose whatever I want to put and wherever I want it to place. I chose to put three ravens, one representing me, the other my friends and the last one, the love of my life, Athena Crissanta Ertude.

And the reaction I got from her when she saw it, was not the reaction I was expecting. Nang dahil sa tattoo na iyon, nawala siya sakin.

The only reason kaya nagawa ko nang bitawan si Paige, and babaeng nag-iwan sakin, iniwan din ako.

How pathetic can I get?

Ang sakit e, kasi pinalagay ko yon because it was my father’s command. Pero I made a way, nang sa gayon ay hindi ko pagsisihan ang pagpapalagay ng marka sa collar bone ko and that way was to put birds that represent the people who are important to me.  It’s really ironic you see, para sakanya to pero sa di inaasahang pangyayari nagbackfire ito saakin kahit wala naman akong intensyong masama.

Karma?

Kasi noong una pinaglalaruan ko lang si Athena?  Kasi noong una, naglalaro lang ako? Kasi hindi ko nasabi sakanya ang lahat ng to? Na natutunan ko nalang siyang mahalin noong huli na? Noong nagpakilala na siyang bilang si Vio? Lalaki lang ako, nasaktan ako ni Paige at si Athena ang naging kasama ko. Siguro nga, it’s in our nature. Na paglaruan ang nararamdaman ng iba at na gamitin ang iba para kami naman ang sumaya, at it’s in our nature narin siguro na sa huli, kami ang matatalo. Dahil sa sandaling mawala na yung babaeng iyon saamin, totoo na naming silang minamahal.

Athena: The Goddess of ViolenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon