Chapter 27: Welcome To My Life

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ano yun?" tanong ni Ronnie na nanguya ng fries.

"May resthouse kami somewhere in Tagaytay. Malaki yun, kung gusto niyo doon na lang tayo. May pool din naman at very private yung lugar at magkakalayo ang mga bahay doon. Alam din ni Jon yun. Walang nakatira doon kundi yung mga caretakers lang." suggestion ni Ronnie.

"Sure kang pwede kami doon?" tanong ni Enrique.

"Oo naman. Nadala ko na rin doon mga kaibigan ko at pinaplano rin naming bumalik sana doon this vacation para mag-unwind. Kung gusto niyo, sumabay na lang kayo sa amin para the more, the merrier." suggest pa ni Ronnie.

"I think that's a good idea. Tutal nakilala na naman ng friends ko ang friends mo, I think wala namang magiging problema doon. I'll suggest that to them and I'll let you know kapag nagdesisyon sila." sambit ni Enrique.

"Okay. Sana pumayag sila para makasama ulit kita." sagot naman ni Ronnie.

Lumapit si Ronnie at hinalikan sa labi si Enrique.

"I Love You." sambit ni Ronnie.

Ngumiti si Enrique pero hindi siya sumagot. Nilapitan niya lang si Ronnie at hinalikan sa labi.

"Walang 'I Love You, Too'?" nakasimangot na sagot ni Ronnie.

Muling hinalikan ni Enrique si Ronnie pero matapos ang halik na yun ay bumulong si Enrique kay Ronnie. "Thanks for making me happy. I love you too."

Napangiti si Ronnie sa narinig at namula ito. "So, tayo na ba?" tanong ni Ronnie.

"Oo. Tayo na." sagot naman ni Enrique.

Sa sobrang saya ay hinalikan uli ni Ronnie si Enrique pero mas passionate ito at punong puno ng pagmamahal.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Kinabukasan ay nalaman na nila Nadine na sinagot na ni Enrique si Ronnie. Sobra ang saya nila para sa kaibigan dahil iba ang naidulot na ngiti ni Ronnie sa kaibigan nila.

"We're so happy for you, bro!" sambit ni Iñigo.

"Salamat mga bro. Laking pasasalamat ko at kahit na ganito ako, hindi naiba ang turing niyo sa akin ni Ryle. Hindi kayo umiwas sa akin." nakangiting sambit ni Enrique.

"You're very much welcome, brother." sabay yapos ni Ryle kay Enrique.

Ilang sandali lang ay dumating na sa eksena si Jon. Alam na rin nito ang magandang balita. "Enrique! Congratulations! I heard the news."

"Salamat, Jon. Pero paano mo nalaman?" tanong ni Enrique.

"Nagmessage sa akin si Ronnie. Binalita niya sa akin at ibinilin ka niya sa akin. Sabi niya, bantayan daw kita at huwag hayaang may lumapit sa'yo na iba." nakangiting sambit ni Jon.

"Wow! Ano namang akala niya sa akin? Babae?" natatawang sambit ni Enrique.

"Kung alam mo lang Enrique. May mga naririnig akong may crush sa'yo dito sa campus." sambit ni Nadine.

"Sabihin mo sa pinsan mo. Huwag siyang mag-alala, behave ako, kaya dapat siya mag-behave din." sambit ni Enrique kay Jon. "Maiba ako. Binanggit ko kay Ronnie yung balak nating mag-bakasyon. Meron siyang suggestion." dagdag ni Enrique.

"Ano yung suggestion niya?" tanong ni Jane.

"May resthouse daw sila sa Tagaytay at nagbabalak din daw sila pumunta doon kasama yung mga kaibigan niya. Kung gusto daw natin, sumama na lang tayo sa kanila para mas masaya. Alam daw ni Jon yung lugar na yun." sambit ni Enrique.

"Ahh, oo alam ko yung lugar na yun. Malaki lugar nila doon. I think magandang idea yung plano na yun.' sagot naman ni Jon.

"Tingin ko din. Mas malapit pero malayo pa rin sa Metro Manila." sagot naman ni Ryle.

"Magkano babayaran natin para doon?" tanong ni Nadine.

"Wala daw. Libre lahat, mag-aambagan na lang daw tayo sa gas ng mga sasakyang gagamitin natin pati na rin yung mga kakainin natin doon." sagot ni Enrique.

"That's a great plan! Mas makakatipid tayo doon." sagot ni Jane.

"So, agree ba kayo na sumabay tayo sa kanila?" tanong ni Enrique.

"Count me and Jane, in." sagot ni Iñigo.

"Agree." sagot naman ni Ryle.

"Ako din." sagot naman ni Jon.

"I'll go of course." sambit naman ni Nadine.

"Okay, ayos yun. I'll inform him na para maplano na namin ang lahat." sambit naman ni Enrique.

************************************************
Hope you enjoy this.

Don't forget to Share, Comment and Vote.

Bromance: An Enrique Gil-Daniel Padilla StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon