Pawang mga student ang ilan ay mga businessman o di kaya ay mga nagde-date ang laman ng restaurant niya ngayon.

Busy sila lalo na at kulang ang empleyado niya dahil nagkasakit ang isang serbedora niya at ang isa naman ay cashier sa cafe part ng restau ay nagfile ng leave dahil malapit ng manganak ang asawa.

"One grande  ice blend milky matcha frappe and one slice of chocolate cake."

"Dine-in or take-out ma'am?"

"Dine-in."

"Okay po. So, one grande ice blend milky matcha frappe and one slice of chocolate cake." pag uulit ni Frida sa order ng babaeng sobrang ikli ng skirt ng uniform nito at bonggang-bongga ang makeup at straight shiny hair. Naka-itim na shoulder bag habang hawak sa kaliwang kamay ang iPhone 6s. Tipikal na sosyaling college student pero dilaw ang ngipin.

Kaya nadi-distract si Frida na panay ang tingin sa ngipin nito.

"409 pesos po in total. Any addition po ma'am for your drinks?" Sabi ni Frida matapos niyang mai-punch ang order nito sa monitor na agad naman na mare-receive inside the working station na may kasama ng number ng order.

"Wala na akon ia-add. Here." Agad naman niyang inabot ang apat na isang daan at bente na sinuklian din naman niya at agad na binigay ang resibo at order number nito.

"Ano pong order nila?" magalang na tanong ni Frida sa next na customer niya habang nakatingin agad sa monitor para ready ng i-type ang napili nito.

"Pa-order nga ng maraming atensyon, isang kiss sa lips na matagal at maraming oras na kasama ka." sabi ng isang baritonong boses na agad naman na nagpa-statwa kay Frida.

Kilig na kilig naman ang mga nakarinig sa sinabi ng lalake lalo ang mga dalagang nakasunod sa lalake sa pag-order.

Unti-unting iniangat ni Frida ang ulo sa lalakeng walanghiyang biglang nagpakulo ng dugo niya sa inis.

Agad naman sumalubong sa mukha niya ang magandang pagkaka-arrange ng paborito niyang mga rosas at naamoy ang mahalimuyak na bango nito na may halo ng mahaliparot na pabango ng lalake.

"Flowers for you ho-Frida."

Agad naman niyang tiningnan ang lalakeng namumula na ang ilong at tenga na hindi ganon makatingin sa kanya.

"W-what?" tila batang tanong nito ng mataman lang niyang tinitingnan ang mukha nito. 

"H-honey. Kunin mo na. Nakakahiya na sa mga customer at empleyado mo." mahinang sabi nito na silang dalawa lang ang nakakarinig.

Kaya agad naman niyang tinaasan ng kilay ang lalake.

"Excuse me sir. Nasa kalagitnaan po ako ng trabaho." Pagtataray niya. "Again. Ano pong ORDER nila." naiinis na sabi ni Frida habang dinidiin ang salitang 'order' dahil na papansin niya na marami ng nakatingin sa kanila pati na ang ilang empleyado na halatang kinikilig.

"Ay~ May attitude pala si ate." rinig niyang bulong ng isang babae na naka-uniform pa naka-pila sa likod ni Alvin na kasama ang dalawa nitong kaibigan na nakapila rin

"AHEM!" may diin niyang tikhim at pinandilatan ang lalake na hindi na ata nakasagot sa tanong niya.

Agad naman na umayos ito at nilagay ang mga bulaklak sa counter na nakapagitan sa kanila.

"Dalawang venti size dark mocha frappe, isang slice ng tiramisu at strawberry shortcake." sabi nito na matamang nakatingin sa nagtitipang asawa.

Napaka-ganda pa rin nito kahit walang kahit anong kolorete sa mukha at naka-uniporme pa ito.

"Din-"

"Dine-in" agad na sabi ni Alvin na ikinataas ng kaliwang kilay ng babae matapos niyang unahan ito.

"Two venti size dark mocha frappe, one slice tiramisu and strawberry shortcake. 912 pesos po lahat-lahat." sabi ni Frida

"Here honey. Keep the change." sabi pa nito matapos iabot ang malutong-lutong pang isang libo sa kanya.

"Okay sir. Any addition for your drinks or order sir?" Tanong ni Frida matapos kunin ang pera.

"Can I have a little bit of your time." tila umaasang sabi pa nito sa kanya.

"Wala po yan sa menu list namin sir." Pagtataray ni Frida.

"Please!" Pagpapa-awa ni Alvin kay Frida na hindi na siya inintindi matapos i-abot sa kanya ang kanyang resibo ang order number.

"Like I said. Wala pong ganon sa menu list namin." pagtatarang ni Frida. "Next."

"Ate pagbigyan mo na po yung boyfriend niyo. Ang pogi-pogi inaayawan niyo po." sabi ng isang customer na nakapila sa kabilang counter.

"Sige na ate. Di naman siguro magagalit boss mo." Pagpapalakas loob ng isa.

"Oo nga ate. Kami ng bahala sa boss mo."

'Kung alam niyo lang.' Sa isip ni Frida. 

"Honey dali na!" Pagpapaawa pang muli nito na mas lalong ikinainis ni Frida dahil nakikisimpatsa pa ang ilang customer sa lalake.

"Grabe naman to si ate. Siya na nga ang sinusuyo siya pa ang ayaw."

"Kung gusto mo pogi tayo na lang."

"I can give you time and attention and even love just seat here pogi tutal mag-isa lang din naman ako."

At samot-sari pang kung ano-anong sinasabi ng ilan nilang customer.

Kaya sa inis ni Frida ay hinila niya si Alvin.

------------------------------------------------------------------------------------------

M: Hello guyz~

Good day!!

Hope you enjoy this new update.

Sending my virtual hugs and kisses to all of your...

XoXo

BrokenWhere stories live. Discover now