Part 9

1.8K 38 2
                                    

Lumipas ang mga araw at ang dati naming tahimik na buhay na kaming mag-iina lang ay nabago. Simula ng dumating ang kanilang ama ay madalas ko ng nakikita ang aking anak na babae na kausap ito tuwing susunduin ko sila sa kanilang paaralan.

Minsan naman ay nagugulat na lamang ako na tatawagin ako ng nag-iisa naming kasambahay dahil may package na dumatin na nakapangalan sa akin kahit wala naman akong ino-order online. At malaman-laman ko ay galing pala ito sa ama nilang walanghiya.

Minsan ko ng binalik ito sa lalaking iyon ngunit pagka-uwi ko galing sa aking restaurant ay magugulat na lang ako na nandoon muli ang package at bukas na dahil nilaruan na ng mga bata at kinain na ang mga pagkaing kasama ng mga ito.

Hindi ko naman sila masuway dahil sa maaliwalas at masayang mukha nila. Pero ng malaman ng mga bata kung kanino ito galing.

Evan face turn sour upon hearing his fathers name at hindi na muling ginalaw ang mga laruan na nakuha niya galing sa ama, kahit na ang pagkain. Ngunit, nahuli ko naman siyang kumain ng chocolate isang gabi matapos akong makaramdam ng uhaw at makitang bukas ang ilaw galing sa mini-ref ng aming kwarto at nandoon siya kumakain ng palihim habang nakakunot ang noo't kilay niya habang ngumunguya.

Wala namang problema kay Eve dahil nagpasalamat pa siya sa ama, ayon na rin sa sumbong ng aking anak na lalake.

Wala naman na akong paki dahil na rin sa magulang ng lalakeng iyon na kinausap ako isang araw.


"Gusto sana naming muling makitang masaya ang aming anak kapiling ang aking mga apo." sabi ni Mrs. Kimberly Raile habang hawak ang aking kamay habang nasa loob kami ng aking office sa aking restaurant.

"I know this is a selfish request Frida. Pero sana naman ay maintindihan mo ang aking hiling hija." maluha-luhang sabi ng ginang sa kanya habang ang asawa naman nito nasi Mr. Alwin Raile ay masuyong hinahaplos ang likod ng asawa.

"Alam naming walang kapatawaran ang ginawa ng batang iyon. Pero sana naman magkaroon ng pagpapatawad sa iyong mga puso. Matandana na kami at nais lamang namin na makitang masaya ang aking anak at apo. Hindi naman kita pinipilit hija. Nasa iyo pa rin naman yan kung mapapatawad mo ang anak namin." mahabang lintanya ng ginang habang malungkot na nakangiti na ito sa kanya.

Hindi siya makapagsalita lalo na't napakabuti ng mag-asawa sa kanilang mag-iina at kilala na niya ang mag-asawa high school pa lamang siya at talagang tinuring na siya ng mga ito bilang tunay na anak. Lalo na't nung nangyari ang bagay na iyon hindi umalis ang mag-asawa sa tabi nila at panay ang hingi ng tawad dahil sa ginawa ng anak.


Frida is the total opposite. 

Ito talaga ang nagagalit para sa kanila.

Itinapon pa nga nito ang gamit na padala ni Alvin kaya iyak ng iyak si Eve dahil doon at hindi pinansin at tita. Ganon din si Evan dahil ang katwiran niya ay, pinaiyak daw ni Frida si Eve.

Kaya kahit hindi bukal sa loob ay hinayaan na niya ang mga ito. Lalo na't kinausap ko siya tungkol sa hiling ng dalawang matandang Raile.

Her father and twin brothers are also the same as Frida. Pero wala na silang magawa dahil sa ikakasaya naman daw ito ng kambal kaya pinabayaan na niya ang mga packages na dumadating galing sa ama  ng mga ito.

Pagdating naman sa eskwelahan ay nakikita niyang masayang nakikipaglaro at usap si Eve sa ama habang si Evan naman ay laging sa tabi ko.

Ganon pa rin ang lalake. Pilit pa rin na gustong makipag-usap sa akin pero lagi ko siyang iniiwasan dahil ayoko ng mangyaring muli ang nangyari simula ng sinundo ko siya sa bar na iyon.

--------------------------------------------------------------------------------------------

A/N: Hello at Good morning na mga bakla!!

Anyway.

I totally change this part 9 dahil lumihi o mas magandang sabihin na lumayo ang storya sa dating part 9 na naisulat ko.

Anyway again.

Juts... I mean short update.

Sending my virtual hugs and kisses to you all.

XOXO

BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon