Part 11

2.6K 71 17
                                    

"Ma'am Frida."

"Bakit?" tanong ni Frida sa isang emplayada na may daladalang box ng paborito ng chocolate.

Tumutulong kasi siya sa paglilinis at pag aarange ng mga lamesa para sa pagbubukas ng resto-bar niya.

"Wow! Kanino yan?" manghang tanong niya sa babae habang ang mga mata ay nakatingin sa malaking box ng ferrero rocher chocolates.

"Wow! Kanino yan?" manghang tanong niya sa babae habang ang mga mata ay nakatingin sa malaking box ng ferrero rocher chocolates

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Agad naman na nagtubig ang bagang ng makita ang mga ito.

"Pinabibigay po nung lalakeng pogi." Kinikilig na sabi nito habang iniaabot ang box sa kanya.

Agad naman siyang napatulala sa dalagang kinikilig sa harap niya.

"Sino?"

"Di po nagpakilala ma'am basta sabi niya ibigay ko daw sa inyo." sabi niya habang kakamot-kamot ng ulo.

Agad naman na kinuha ni Frida ang box at binusisi ito kung may nakalagay o ipit na note kung kanino galing ito pero wala naman.

"Yes naman si ma'am. Umagang-umaga may gift agad." Kinikilig na sabi ng isa pa niyang batang empleyado isang part-timer.

"How to be you po?" kantyaw ng bakla niyang bartender sa gabi at serbidora sa umaga.

"Heh! Tumigil nga kayo bawasan ko pa sahod niyo." pagtataray ni Frida sa mga ito na agad naman nagsi balikan sa kanya-kanyang trabaho.

"Sabi ko nga po mag pupunas pa ko ng mesa." 

Agad naman niyang tiningnan si Jane na tila nag de-daydream na.

"Nakita mo ba kung anong itsura niya?"

"Ay ma'am. Ang pogi~ Ang tangkad pa~" Kinikilig na sabi nito "Di ko nga lang nakita ang itsura niya kasi naka sunglasses siya. Pero halata mo po na pogi siya at mayaman. Parang modelo ma'am. Grabe pa yung muscle tapos halata mong daks."

"Daks?" naiintrigang sabay na sabi ni Wynetta at Kyle na nakikinig pala sa kanila.

Ang iba namang empleyado ay medyo malayo sa pwesto nila at may kanya-kanyang toka at busy sa mga ginagawa nila.

"Oo gurl!"

"Wait!" Pagpipigil ni Frida sa tatlo " Nasan mo siya nakita at nasan na siya?" 

"Diyan lang ma'am sa may parking lot. Pero umalis na rin siya." sabi nito na may panghihinayang sa boses.

Ayaw man niyang mag assume pero meron ng imahe ang namumuo sa isipan niya lalo na at panay ang text nito sa kanya at tawag sa mga nakaraang arawa na lumipas.


Marami ng tao sa Resto bar niya.

Mula sa Cafe part ng bar at restaurant ay talagang dagsaan ang mga tao kahit na sarado pa ang bar part ng restaurant at mamayang lunch pa ito mag-oopen.

BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon