Part 4

2.1K 67 5
                                    

[Kinda edited bruh but bear with it]

Third Person PoV

Three days before ng family day ng mga anak ni Frida at heto ang kapatid niya, todo effort sa pagpapagawa ng family t-shirt na susuotin nila sa mismong araw ng okasyon at todo paalala sa secretary tungkol sa mga pina-prepare nito na gagamitin nila tulad na lang ng family banner na nakalagay ang kanilang family name even though apelyido parin ng dating asawa ang gamit nilang mag-iina. Tapos yung sasakyan nila para sa parade, na actually hindi naman kailangan dahil maglalakad lang naman sila paikot ng school campus. Basta sobrang daming preperation ang ginagawa ng kapatid nito. Imbis na atupagin nito ang mga business proposal o di kaya ay yung umatend ito ng mga meeting ay hindi nito ginawa, dahil mas mahalaga daw ang kanyang mga pinakamamahal na pamangkin kaysa umatend sa mga yun.

Dinaig niya pa ang biological mother ng mga ito kung todo prepare at plano.

Hinayaan na lang ni Frida ang kapatid sa kabaliwan nito. Siya naman ay nililista na ang mga bibilhing ingredients para sa lulutuing pagkain sa darating na big day ng mga anak. But like the usual day here comes her annoying and creepy caller. Hinayaan na lang niyang mag vibrate ang kanyang cellphone at patulay lang sa kanyang ginagawa. Ilang beses pa itong tumawag sa kanya at sa wakas tumahamik na lang din ito.

"Siguro na ubusan na ata ito ng load." usal niya sa kanyang sarili.

Maya-maya lang at nag beep ang kanyang phone hundyat na may nag text sa kanya, ng kunin niya ang phone at tignan kung sino ang nag text sa kanya, it was the  same number who keep on calling her was the one who send the message. Agad naman niyang binuksan ang text na iyon.

'Wala namang masama kung babasahin ko kung ano man ang message niya diba' sabi ng utak nya

Nalukot ang mukha ni Frida ng mabasa ang message.

From: +639*********

Hey. Answer my calls.

"Aba't. Demanding." sabi ni Frida na akala mo naman ay maririnig ng kung sino man ang nag text sa kanya.

To: +639*********

Sino ka ba?

At ang lakas mo naman maka-demand na sagutin ko ang tawag mo in fact ikaw nga itong hindi nag sasalita diyan.

Ang kapal ng face mo po.

Pissed off who ever you are. >: C

Send*

From: +639*********

You know me very well honey.

I'm sorry that I can't answer you over the phone.

You make me feel nervous and at the same time you make my heart beat so fast after hearing your lovely voice over the phone.

"Ano daw? Loko to.." di niya alam kung bakit may naramdaman syang onting kilig. Duh, babae parin po siya kinikilig sa simpleng message. Pero ang kilig ay napalitan ng pagtataka. "Kilala ko daw siya. Seriously. At ano daw honey!?"

To: +639*********

Anong honey ka dyan.

Sino ba to?

Hindi ako nakikipaglokohan sa kung sino-sino. And I have children you know.

Please lang kung sino ka man wag ka ng magbiro diyan dahil hindi nakakatuwa.

Send*

From: +639*********

I know you already have those lovely children at hindi ako nakikipaglokohan sayo Frida. I'm sorry kung naiinis ka na sa mga tawag ko. I just miss you so damn much and soon we will see each other again.

I love honey.

Goodbye for now and see you soon.

Hindi alam ni Frida kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya sa kanyang nabasa. Alam nito na may mga anak na siya at ano daw mahal daw siya nito at soon magkikita sila ng kanyang annoying and creepy caller.

Isinawalang bahala na lang ito ni Frida dahil baka prank lang ito ng kung sino o baka ng mga kaibigan niya na bihira na lang niyang makita.

Hindi na lang siya nag text pa at pinatay na lang ang cellphone at agad na tumayo papuntang kusina para makainom ng tubig.



SA hindi kalayuan sa bahay ni Frida naka-park ang isang mamahalin at itim na sasakyan. Lulan nito ang isang lalake na matamang nakatingin sa isang simpleng bahay.

May lungkot ang kanyang abuhing mga mata habang nakatingin sa bahay na iyon. Mababakas mo ang pangungulila, pagsisisi at panghihinayang sa kanyang mukha.

Kinuha nito ang larawan ng isang magandang babae na may natural na alon-along buhok habang may masayang ngiti sa maganda nitong mga labi habang kandong-kandong nito ang isang maliit na batang lalake na may abuhing mga mata tulad niya, habang sa tabi ng mga ito ang larawang ng isang lalakeng masayang-masaya habang buhat-buhat naman nito ang isang batang babae na may abuhin ding mga mata na kasing edaran lang ng batang lalakeng nakakandong sa mga hita ng babae.

Habang matamang nakatitig ang lalake sa larawan, hindi na nito namalayan na lumuluha na pala siya. Agad naman niya itong pinunasan ng kanyang sariling mga kamay at muling tumitig sa bahay na kanina pa niya minamatsagan. Makalipas ang ilang minuto ay agad na nitong pinasibad ang sasakyan. Mas lalong lumungkot ang nangungulila nitong mga mata habang unti-unting lumalayo ito sa bahay ng kanyang babaeng sinaktan, niloko at iniwan.

____________________________________________________________________

M: Hi everyone!! anong masasabi nyo sa update ko ngayon... Sorry maikli lang sya pero babawi ako sa next update.

Hope you like my update and soon to be update.

Love you guys and thank you for supporting this story..

----------

M2020

Sup! Guys hope you keep supporting this story kahit mushroom siya.LMAO

I kinda change and add some part of this story so bear with it.

Anyway thank you everyone kahit it's been how many years since I update this story.



BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon