Prologue

5.9K 83 1
                                    

"sob*mama tan punta sob* papa huhuhu" iyak ng kanyang anak na babae sabay yakap sa kanya habang sya rin ay lumuluha.

Hindi siya makapaniwala na iniwan sila ng kanyang asawa na wala man lang binitawan kahit isang salita. Kahit nagmakaawaat lumuhod na sya ay hindi ito nagpatinag at sumama na sa kabit nitong nag aabang pala sa labas.

"m-ma-mama sob*" rinig niya ang hikbi rin ng kanyang anak na lalaki at yumakap rin ito sa kanya.

Yinakap niya rin ang mga anak ng mahigpit. Kasabay ng pagtulo ng masaganang luha nilang mag-iina. Puno ng galit at hinagpis ang kanyang nararamdaman dahil sa kagagawan ng walang hiya niyang asawa. Durog na durong na ang kanyang puso na tila ay binasag, pinipiraso hangang sa naging pulbos, lalo na ay nahahabag sya sa mga anak niyang maapektuhan ng pang-iiwan sa kanila ng asawa.

Dinilat niya ang kanyang mga nanlilisik na mga mata habang tumutulo ang mga masaganang luha at tumingin sa pintuan na nilabasan ng asawa.

'Pag-sisisihan mo ang pang-iiwan mo sa amin Alvin, dahil wala ka nang babalikan pa.' Isinusumpa niyang sabi sa sarili.

Ang dating masayang tirahan ng mga Raile ay puno ng iyakan sa pang-iiwan ng ama ng tahanan.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Disclaimer:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

.................

Authors Note: Hello everyone!!

Ang tagal na ng story itong. Publish and unpublished then publish ulit. Hindi ko matapos-tapos. 

Simula 2015 and now 2020. But don't cha' worry everyone I will do everything hanggang sa matapos na ito like this is my very first story here in wattpad. Kaya bear with me. Lalo na ay iibahin or aayusin ko ang ibang scene. After reading some part of this story na papangiwi na lang ako dahil na cringe ako sa grammatical error and spelling.

Hindi ko sinasabi na I am one of those grammar nazi dahil kahit i-edit ko man yan or hindi. Hindi ko pa rin maiiwasan na magkamali, okay. I am not perfect you know.

Basta I try my best na lang.

Love you guys and I just want to say you are special and worthy person. 

Sending my virtual hugs and kisses to you. 

XOXO

BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon