Part 2

2.6K 61 1
                                    

[Kinda edited]

FRIDA'S POV

"MAMA OH! si Eve agaw yung laruan ko." sumbong ni Evan sakin.

"Mama hindi naman, gusto ko lang play kaming dalawa" sabi Eve

"Evan and Eve don't fight, pwedi naman kasing mag share ng laruan mga anak, sige na mag laro na kayong dalawa tatawagin nalang kayo ni mama pag tapos na kong mag luto" ako sabay takip sa adobong niluluto ko.

"Mama faster sa pag-cook ng favorite namin." lambing ni Evan at naglalambitin pa sa legs ko.

Tumakbo at yumakap na rin si Eve sa isa ko pang legs pagkakita sa ginawa ng kakambal.

"Oo nga mama gutom na ang tumtum ko." naka-pout pang sabi nito habang nakatingala sa akin.

Natatawang ginulo ko ang buhok nila dalawa dahil sa kakyutan nila.

"Hahaha sige na maglaro na kayo."

Habang nag-aayos ng lamesa dahil malapit ng maluto yung niluluto ko, naramdaman ko naman ang pag-vibrate ng phone ko. Agad ko itong kinuha sa pag aakalang si Trina ito pero unregistered number ang nakita kong tumatawag.

"Sino kaya ito?" tanong ko sa sarili agad ko itong sinagod baka importante minsan kasi may mga kliyente akong nagpapa-bake ng cake or cupcake o di kaya ay magpa-cater sa aming Resto-Caffe tutal nakalagay sa facebook page namin ang business phone number ko.

"Hello! Frida speaking from Ev Resto-caffe. Sino po sila?" malumanay kong sabi

"........................."

"Hello!" ulit kong nang wala akong narinig na response mula sa caller.

"................" wala paring response akong natanggap bukod sa naririnig kong paghinga ng kung sino mang pontso pilatong caller na ito.

"Baliw! Kong sino kamang tumatawag ka wag kang mag sayang ng oras ng iba hindi ako nakikipagbiruan kung sino ka man." Medyo naiinis kong sabi kaya tinap ko na ang end call button dahil minsan talaga ay may mga walang magawa sa buhay ang bigla-bigla na lang random na nagda-dial at tumatawag sa kung sino.

Nang matapos na kong mag luto at makapaghain, agad ko namang tinawag ang mga bata na naglalaro sa sala.

"Kids kakain na, mag hugas muna ng kamay."

Nagmamadaling nag unahan ang mga bata papasok sa kusina.

"Mama done na kong hugas kamay." sabi ni Evan sabay upo sa upuan.

"Me too!" masiglang pagsigunda naman ni Eve.

Habang kumakain kami bigla nalang kaming binulabog ng malakas na pakantang boses ni Trina.

"Iiiiiiiiii'm~ hoooooommmeee~(^o^) 🎶 " pakanta nitong sabi may pakamay-kamay pang nalalaman na akala mo yung ginawa ni Rose sa Titanic.

"Trina umayos ka nga mag hugas kana ng kamay at sumalo kana saamin." pangaral ko sa kapatid kong parang baliw.

Hinalikan muna nito ang magkabilang pisngi ng mga bata bago dumiretso sa may sink at naghugas ng kamay ng makaupo na si Trina at kumakain na rin bigla naman nag brought out ng topic si Eve.

"Mama next week na po yung family day namin.. "sabi nito

" Ay oo nga po pala mama next week na yun.. " sabi ni Evan pagkatapos ay kinagat na niya yung ulam nya.

" Okay pupunta si mama sa first family day ng mga baby ko.." sabi ko na nakangiti sa mga bata.

" Pupunta rin shi tita taposh tatawagin natin shi wowo nyo" sabi naman ni Trina na puno ng pagkain ang bibig at akmang susubo na sana ng kanin. Nakakamay kasi ito tapos ang isang paa naman ay nakataas saa bangko. Hindi alintanang naka office attire. Kaya napangiw na lang ako sa itsura niya malayong-malayo sa Trina na nakita niya sa office na sinisigawan ang pobreng empliyado.

Napatingin naman sakin si Trina na may pagtataka sa kanyang magandang mukha sabay kibit balikat at subo ng kanin.

Hay nako ito talagang kapatid ko kapag sa opisina ibang-iba at pag dito naman sa bahay akala mo hindi boss ng isang kilalang kumpanya kung umasta.

" Pero mama hindi naman daw po pwede kaming pumunta ng family day sa school. " sumbong naman ni Evan.

Napatigil naman aka sa pagkain sa sinabi ng anak ko ganon din si Trina..

"Sino naman nag sabi niyan anak? " tanong ko sa malumanay na tano pero ang kaluoban ko ay nanggigigil kung sino man ang nagsabi non sa anak ko.

Napayuko nalang si Evan.

"  Sabi po ng classmate ko... Wala daw po kasi kaming papa ni Evan kaya daw di kami pwede sumali sa family day. Dahil dapat  daw po ay complete family." si Eve na ang nag sabi na nakasalubong ang kilay.

"WHAT!? " oa na sabi ni Trina" Sinong nag sabi baby ng maaway ni tita ang nanay nong batang yun." nanggagalaiti nitong sabi.

"Don't wowi Tita I punch him naman eh." sabi ni Eve na parang wala lang dahil masaya pa itong sinabi sa amin ang ginawa nito sa kanyang kaklase, ako naman 'tong nagulat sa sinabi ng anak ko.

Sinabi ba niyang sinuntok niya ang kaklase nya....?

"Good girl," papuri pa ni Trina sa pamangkin na may ngiti pa sa labi at naka-thumbs up pa ito kahit puno ng kanin ang kamay ay sarsa ng ulam.

"What did you do Eve? " tanong ko ulit na parang hindi ko ma-digest ang sinabi niya.

" She punch our classmate mama." sabi ni Evan

" Don't do that again.. You are just a baby girl. So act like a girl.. " may pagbabantang sabi ko tumahimik naman si Eve at tumingin sa kanyang tita na parang humihingi ng saklolo.

Mahabagin. Juice ko.

Babae ang anak ko tapos nakikipag-sapakan sa mga classmate niyang lalake...

" Ate naman hayaan mo na at least di ka na mababahala na hindi mabu-bully ang mga bata. Tapos akala mo hindi ka ganun nung bata pa tayo... Tss tss tss.. Mana-mana lang yan ate.. " sabi ni Trina sinamaan ko naman siya ng tingin. Nag peace sign naman siya sa akin tapos humarap ulit ito sa mga bata.

" Don't worry kids pupunta tayo ng family day niyo next week si mama ninyo, ang hot and gorgeous niyong tita, si lolo ninyo at ang tito Hance and Hancel at tito Cliff niyo ang sasama sa inyo.. .. O di ba... " may malawak na ngiting sabi ni Trina sa mga bata.

Pagkasabi ni Trina non ay nakangiti na lamang ako ng makita kong nakangiti rin ang kambal.

Alam ko namam na di lingid sa kanila kung sino ang ama nila sadyang ayaw lang nilang i-brought out ang topic tungkol sa dad nila kahit nga ako wala na kong paki kung nasaan  na ang gagong yun.. 


KINAgabihan nakahanda na kaming matulog ng mga bata. Si Trina naman ayun sa may kwarto nya nagbabasa ng iilang papeles.

"Kids higa na look o pass 20 minutes na ng inyong bed time." sabi ko habang hinihiga ang namumungay ang mga mata na si Eve. Si Evan naman ayun busy kakakalikot ng cellphone ko.

"Evan stop playing already. Tingnan mo ang kapatid mo inaantok na. Halika sleep ka na rin." pagkasabi ko non agad naman niyang binitawan ang cellphone ko tapos naka-pout na humiga sa tabi ng kapatid. Nakita ko pa kung pano bumalatay ang inis sa kanyang abuhing mga mata.

Hay ang bata talagang ito ang kulit-kulit at madaling mainis manang-mana kay----

Never mind.

Mana kay daddy madaling mapikon.

I kiss both of them in their forehead at nag goodnight na ko at tumabi na kay Eve. After that I switch off the light of the lampshade beside me.

Naramdaman ko naman ang pagyakap sa akin ni Eve sabay siksik sa aking dibdib dahil nakatagilid ako sa kanila.

"Mommy" inaantok at mahinang boses niyang tawag sa akin

"Hmm? Bakit anak?" tanong ko naman at tiningnan si Evan kung tulog na ba ito.

"Mommy I saw daddy po kanina sa school." antok na sabi nito at mas lalong sumiksik sa kanya.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Authors Note:

Hello!!

I forgot to ask.

Nagustuhan niyo ba ang bagong book cover??

BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon