Thirty Six

44.7K 765 94
                                    

I felt Heath body tensed while he was carrying me, bumulong siya. "Antoinette, sa sofa ka muna umupo." Sumunod naman ako. Bigla siyang tumayo at nagtungo sa kusina, sinundan namin siya lahat ng tingin. Mayamaya nakarinig na kami ng nagbabasag doon. Napatayo ako agad at napapunta kung asan siya.





Blangko lang ang mukha ni Heath habang nagtatapon siya ng mga baso, plato at kung ano ano pa. Sa sahig, sa dingding. Kahit saan basta mabasag lang yun.






"Heath.." Tawag ko, naiiyak na ako habang tinititigan ko siya. Pero hindi niya ako pinansin. Kumuha siya ulit ng plato sa top shelf at muling ibinagsak yun sa sahig, hindi sya nabasag ng tuluyan kaya muli niyang dinampot. Nasugat na siya sa ginagawa niya pero pakiramdam ko namanhid na siya.






Tumutulo na ang dugo galing sa kamay niya bago niya hinampas sa dulo ng mesa yung kalahati ng plato. Naghalo na ang dugo niya sa mga bubog na gawa ng pagbabasag niya. Napatakip ako sa bibig ko, "Heath love tama na.." Tawag ko muli sa kanya. Napatingin siya sa akin. Para siyang nagising sa ulirat niya ng nakita niya akong umiiyak.







Lumapit siya sa akin at lumuhod, wala siyang pakealam kung naluhuran na niya yung mga bubog na nakakalat sa harap namin. Napaakap siya sa bewang ko, hinalikan niya ang tiyan ko saka siya tuluyang umiyak. I can hear him sniff while he hold onto me tight.






We need each other in this time of grief. Alam kong masakit, kasi kahit ako nangungulila pa rin sa anak namin. "I'm so sorry. I'm so sorry." Bulong niya, nararamdaman ko ng nababasa na ang damit ko sa luha niya.







Matagal kaming nasa ganoon posisyon, wallowing in grief and longing for our baby. "Baby I am so sorry." Napahawak ako sa ulo niya. Hindi ko alam kung kanino siya nagsosorry. Sa akin ba o sa anak namin. Pero wala naman siyang kasalanan. Hindi namin ginusto na ito ang mangyari.









Remembering Mr. PerfectWhere stories live. Discover now