Eight

39.8K 681 4
                                    

"Vicky, pakibihisan naman si Lorraine." Utos ko sa isa sa mga kasambahay namin ng nakauwi na kami. Nanginginig ako sa takot. Hindi mawala wala sa isip ko ang itsura ni Ivan kanina.




Nagtungo ako sa opisina namin ni Heath at tumawag agad sa asawa ko. "Baby namimiss mo na ba ako? Malapit naman ng matapos 'tong meeting, pauwi na ako mamaya." Mapagbiro pa ang tono ng boses niya. Napaupo ako sa sahig habang hawak ang dibdib ko, "Heath, umuwi ka naman na please. Please lang." My voice was shaking.




"A-nong problema love?" Tanong niya, napalitan ang tono ng boses niya ng kaba. Unti unti ng tumulo ang luha ko, "Heath, please. Uwi ka na." Pagmamakaawa ko. "Hintayin mo ako. Uuwi na ako." Tugon niya. Narinig kong sinasabi niya na itigil na ang presentation dahil kailangan na niya akong uwian. Hindi ko na din naisip kung mahalaga ba ang meeting na iyon.












Napa-paranoid kasi ako, feeling ko sinundan kami ni Ivan pauwi dito sa bahay namin. Palakad lakad ako mula pakanan at pakaliwa habang nasa sala kami ni Raine at busy siyang manood ng Disney Channel.




"Nanay, are you okay?" Tanong sa akin ng anak ko. Napatigil ako sabay lingon sa kanya. "Yes baby love, why do you ask?"




"Because you are crying." Sagot niya, hinawakan ko ang pisngi ko at basa nga iyon ng luha. Hindi ko na namamalayan na umiiyak na pala ako. Napaupo ako sa tabi niya sabay no'n ang pag-akap niya sa akin. "Is it because you miss tatay? I miss him too." Napahimas ako sa buhok ng anak ko. Kung alam niya lang ang niyerbos na nararamdaman ko ngayon. "Yes, I miss tatay anak."







Pagkalipas ng dalawang oras, nakatulog na si Raine dahil na rin siguro sa pagod. Iniakyat ko na siya sa kwarto niya, pagkababa ko saktong kararating din ni Heath.




Napaakap siya agad sa akin. "What happened? Mamatay ako sa kaba dahil sa tawag mo. Anong nangyari?" Sunod sunod na sabi niya habang akap akap ako ng mahigpit.




Muli akong napaiyak, "Heath, takot na takot ako." I said between sobs. Hagod siya na hagod sa likod ko habang pinapatahan ako. "May nangyari bang masama sa inyo ni Lorraine? Nasaktan ka ba? May sumakit ba sa iyo?" He was so clueless.

Remembering Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon