Fifteen

31K 526 12
                                    

Images flashed thru my mind. Imahe ng isang lalake, batang babae, pero hindi ko makita ang mga mukha nila ng mabuti. I can't seem to have a tight grasp on them. Patuloy pa rin ang pagsakit ng ulo ko kasabay ng mga larawang iyon.






"Ivan!!!" Daing ko habang nakahawak sa manggas ng polo shirt na suot niya. "Ang sakit-sakit!!!" Mahapis na ang mukha niya habang nagmamaneho pabalik sa ospital.






Ano ba ito? Ano ba itong mga larawang ipinapakita sa akin ng utak ko? Nakita ko ang isang bata na masayang nakasakay sa carousel, may katabi siyang lalake pero hindi ko makita ang mga mukha nila. Silweta lang ang nakikita ko pero nadidinig ko ang tuwa sa halakhak ng batang iyon.







"Arghh!! Ivan!!" Haluyhoy ko muli, nilingon ako ni Ivan, may sinsabi siya pero hindi ko na narinig. Nagdilim ang paningin ko at hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari.








"Hi my love. How was school today?" A man dressed in a neatly pampered suit asked a four to five year old girl as he put his arms around her. "We sang today in class tatay!" The girl squeled in delight. The two of them seem to be very blurry. I can't see their faces.



And then they fawned their attention at me, "Love, okay ka lang ba?"







Bigla akong napabangon, nasa ospital nanaman ako. Napahawak ako sa dibdib ko dahil mabilis ang tibok nun. Dinaig ko pa ang tumakbo ng marathon. Hindi ko maalala ang mga huling nangyari bago ako napunta dito sa ospital. Basta ang alam ko nagtatalo kami ni Ivan.





Wala akong kasama sa kwarto, nasaan si Ivan? Pagtingin ko sa mesa sa tabi ko may pagkain at nakapatong doon ang cellphone ng asawa ko. Ang tagal kong tinitigan iyon, kukunin ko ba? Itatago ko ba?





Nilunok ko lahat ng takot na nararamdaman ko sabay lagay ng cellphone na iyon sa medjas ko. Mahaba naman ang pants na suot ko. Sana hindi lang mapansin ni Ivan iyon.









Saka ako nakarinig ng dalawang taong naguusap sa may tapat ng pinto ko. Muli akong humiga at umarte na natutulog. Narinig kong bumakas iyon, "Ang sinasabi ko lang Ivan ay hindi natin kayang itago ito hangga't sa gusto natin." Boses iyon ni doc Mariano. Ano tinatago niyo doc?











"Maliit na bagay lang naman ang hinihiling ko doc diba? Yun lang naman. Ako na bahala sa lahat." Matigas na sagot ni Ivan. Mukhang nagpipigil nanaman siyang sumigaw.







"Pwede akong mawalan ng lisensya dito Ivan. Kapag nangyari iyon, sinong hahabulin ko, ikaw? Kahit magtakbuhan tayo sa kabilang panig ng mundo, wala akong mapapala sa iyo. Hindi mo naman kayang ibalik ang lisensya ko kapag nagkataon." May takot sa tinig ni doc habang sinasabi niya ang mga iyon sa asawa ko. "Walang kasinungalingan na hindi nabubunyag Ivan. Tandaan mo iyan." Dagdag ni doc saka ko narinig ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kwarto ko.






Kasinungalingan? Saan parte ang kasinungalingan? Mas lalo akong nagkaroon ng duda sa aming dalawa ni Ivan. Baka ito ang rason kung bakit ayaw sa kanya ni mama? Pero bakit ako pumayag magpakasal sa kanya kung ganito ang trato niya sa akin? Sino nga ba talaga si Ivan?








Nakaramdam ako ng haplos sa noo ko kayak o ibinuka ang mga mata ko. "How are you feeling?" Matamis ang mga ngiti na iyon pero hindi ko nagawang ibalik sa kanya.







Gusto ko na ng kasagutan. Pero paano ako magsisimulang magtanong sa kanya. Bumangon ako at sumandal sa headboard ng kama ko, pwedeng pwede na akong tumira sa ospital. Suking suki na ako dito. "H-hindi pa ba mabuti ang pakiramdam mo Tonie?" Tanong niya muli sa akin, binalot ng kaba ang mukha niya.






Tinitigan ko siya ng masulukasok, "Ivan sino ka ba talaga?"

Remembering Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon