Six

44.1K 688 18
                                    

Pagkatapos kong basahan ng kwento at patulugin si Raine, nadatnan kong naglalaptop si Heath sa kama namin. "Ready to sleep love?" Aya ko sa kanya as I lock the door.




Tumango siya sabay patay ng Mac niya. Umakap siya agad sa akin ng nakahiga na kami. "Love hindi ka pa ba buntis?" He suddenly asked. I crack into uncontrollable laughter. 'Yung pagkatanong niya kasi para lang nagtatanong kung nakaluto na ako ng pagkain namin. "What is so funny?" He again asked, confused.




"You are. 'Yung tanong mo kasi para lang sira eh."




Bigla siyang bumangon at binuksan ang lampshade sa tabi ng kama namin. "Ha? Bakit? Anong mali sa tanong ko?" Magkasalubong na ang kilay niya.




I shook my head while I tried hard to conceal my amusement. "So ano nga Antoinette? Buntis ka na ba? You know I hate it when you make me wait for an answer." Iritable ng aniya.




Inabot ko ang noo niya para tuwirin ang kunot doon. "Hindi pa. Okay? Excited ka masyado."




"Ha? Bakit hindi pa?" Napatawa ako muli, para kasi siyang bata na nagmamaktol dahil hindi binili ang gusto niyang laruan. Nagkibit balikat na lang ako dahil hindi ko din alam ang isasagot ko. Dahil una, next week pa ang period ko kaya masyado pang maaga para magpa-check up ako. Pangalawa, ano nga ba ang tamang sagot sa tanong niya? 'Bakit hindi pa ako buntis', teka lang love ha, tatawagan ko lang si Lord para tanungin kung bakit delayed ang delivery.




Bigla niyang hinubad ang t-shirt na suot niya ng hindi na ako sumagot, "Oh anong gagawin mo?" Tanong ko sa kanya. Seryoso ang mukha niya kaya hindi ko maiwasang matawa. "Ano pa nga ba, edi bubuntisin ka!" Salahilong sagot niya.




Napahagalapak ako sa tawa ng inabot niya ang laylayan ng tshirt niya na suot ko. "Bakit ka ba tawa ng tawa diyan? Seryoso nga ako." Mapagmaktol na suway niya sa akin.




Ipinulupot ko ang braso ko sa leeg niya at ang hita ko sa bewang niya para maakap ko siya ng mahigpit. "Love, wag ka kasing excited. Next week pa ang period ko remember? Hindi ko naman itatago sayo kung may nabuo nga tayo o wala. Kaya kalma ka lang ha?" Nagbuntong hininga siya bago ko siya pinakawalan sa pagkakaakap ko.




"Kasi ba't ang tagal tagal naman?" Kumakamot pa siya sa likod ng tenga niya habang nagtatanong. Inabot ko 'yung pantaas na tinanggal niya kanina at isinuot iyon muli sa kanya. "Ba't ka ba kasi nagmamadali? Hindi ka naman baog ha, proven and tested na." Pabirong sagot ko, kinurot niya yung ilong ko.

Remembering Mr. PerfectWhere stories live. Discover now