Seven

40.1K 662 7
                                    

Ang tagal naming nagtitigan dalawa, sobrang tagal ko na siyang hindi nakita. Simula kasi nung insidenteng nangyari dati, hindi ko na nakita muli si Ivan.




"K-kamusta ka na?" He choked out the words to clear the awkward atmosphere. "Okay lang naman. Please maupo ka." I replied as I gestured him to take the seat infront of me.




"Unang una Tonie, gusto ko lang humingi muna ng patawad sa-uhh-nangyari dati. Walang araw na lumipas na hindi ko pinagsisihan iyon-"




"Ivan, okay na. Kalimutan na natin iyon." Ani ko na nagpatigil sa kanya sa pagsasalita. "Mahigit limang taon na. Oras na para patawarin mo ang sarili mo dahil napatawad na kita matagal na."




Napapikit siya at napayuko, "Iba ka Tonie. Iba ang kabaitan na nasa puso mo. Sorry talaga." Saka siya tumingala para titigan ako ulit. Nagawi ang tingin niya sa dalawang singsing na nasa daliri ko. "Kasal ka na pala?"




I nodded while I absentmindedly played with my rings, "Yes, two weeks ago lang siya actually." Hindi ko maiwasang ngumiti nang naalala ko ang kasal at honeymoon namin ni Heath.




"Sino ang maswerteng lalake?"




"Iisang lalake lang naman ang minahal ko ng nagkakilala tayo Ivan." Sagot ko sabay ngiti. Sandaling nawala ang ngiti niya sa mukha na hindi ko mawari kung bakit. Pero ng napansin niya, muli niyang ibinalik ang ngiti na iyon; kahit mukhang pilit.




"Ah si Mr. Ongpauco? Mrs. Ongpauco ka na pala ngayon." Napatango na lang ako dahil hindi ko din naman alam ang isasagot ko sa kanya. Buti na lang biglang nag-ring ang cellphone ko, dahil sa puntong ito wala na akong ibang maisip na topic na pag-uusapan naming dalawa. Nagpaalam ako para sagutin iyon, hindi na rin ako tumayo sa kinauupuan ko.




"Yes, Antoinette speaking." Teacher pala ni Raine, mukhang pauwi na sila galing sa fieldtrip. Napatingin ako sa oras, mag-aala una na pala ng hapon. "No that won't be necessary. Susunduin ko na lang si Raine jan. Thank you."




"I'm sorry Ivan pero I need to go." Ani ko habang bina-bag na ang mga gamit ko na nasa mesa. "Kailangan ko na kasing sunduin yung anak namin school." Hindi ko alam kung bakit nga ba ako nagpapaalam sa kanya ngayon.




Mukhang gulat siya ng narinig niya ang sinabi ko, "Anak? May anak na kayo?"




"Yes. Thank you for keeping me company. Nice bumping into you." Sabi ko sabay madaling umalis.













"Nanay, there are lions in the zoo!" Excited na sabi sa akin ni Raine ng nakababa siya sa school bus. Nakabihis na rin siya ng ibang t-shirt. Kanina kasing umaga naka-PE uniform siya, ngayon na blue na ang suot niya.




"I see. Did you enjoy your field trip baby love?" Tanong ko ng natapos akong paliguan siya ng halik. Ngiting-ngiti siyang tumango sa akin. Kamukhang kamukha niya talaga ang daddy niya, kahit sa pagngiti.




Hawak-hawak ni Raine ang kamay ko habang naglalakad kami papalapit sa pinag-park-an ko. Hindi ko na kasi inutusan sila Victor na ipagmaneho pa ako.













"Ang cute naman pala ng anak mo Tonie. Bagay na bagay mo maging mommy." Napatalon ako sa gulat ng narinig ko iyon. Si Ivan kasi nakatayo sa tabi ng sasakyan ko.




Kanina natutuwa ako na nakita ko siya, ngayon natatakot na ako. Bakit niya ba ako sinusundan? "Ivan? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko na pilit pinagtatakpan ang nginig sa boses ko. Pinatago ko rin si Raine sa likuran ko.




"Pupunta ako sa grocery sa malapit dahil may pinapabili si mommy. Tapos nakita ko itong sasakyan mo." Paano niya alam na sasakyan ko ito? E bagong bili namin ni Heath 'to last two months ago. At saka anlayo ng school ni Raine sa restaurant na pinanggalingan namin kanina? Bakit kailangan dito pa siya magpunta para maggrocery? Hindi na lang ako nagtanong dahil takot akong malaman ang sagot.




Tinanguan ko na lang siya, "Baby love, go inside the car na. We will call tatay on our way home." Utos ko sa anak ko. Natatakot kasi ako kay Ivan ngayon. Maraming imahe ang pumapasok sa isip ko na pupwede niyang gawin, at ang isa doon ay tangayin ang anak ko.




Agad naman akong sinunod ni Raine at sumakay papasok sa passenger seat. "Ivan, mauna na ulit kami." Hindi na siya sumagot, basta sinundan niya lang ako ng tingin habang papasok ako ng sasakyan ko.

Remembering Mr. PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon