Prologue

114K 1.2K 35
                                    

"Ready ka na anak?" Tanong sa akin ni Mama bago magsimula ang seremonya ng kasal naming ni Heath. Ito na yung pinakahihintay naming dalawa.

Napatango ako kay Mama, nakita kong may lumandas na luha mula sa mga mata niya. "Magiging isa na kayo ni Heath sa mata ng Diyos." Hinalikan niya ako sa pisngi bago siya naunang pumasok sa simbahan.

Huminga akong malalim, naririnig ko na ang pinapatugtog sa loob. Ilang minuto na lang makikita ko na si Heath, at magiging asawa ko na siya sa batas at sa mata ng Diyos.

Excited na excited na ako! Matagal kasi naming hinintay ang pagkakataong ito. Hinayaan muna naming lumaki si Raine bago namin naisipang magpakasal.

Gusto namin kasing maalagaan si Raine ng husto, at alam niyo naman ang pinakamahirap na parte ng pagiging magulang ay iyung sanggol pa lang ang anak niyo. At pangalawa, gusto ni Heath na mag-abay ang supling namin sa kasal. Kaya heto, naghintay kami ng limang taon simula ng pinanganak ko si Raine bago naming naisipang magpakasal.

Naaninaw ko na ang mukha ng gwapong kong asawa ng binuksan ang malalaking pinto ng simbahan. Hinding hindi ako magsasawa na titigan siya kahit hanggang sa pagtanda namin. Katulad nga ng sabi ko, worth it. Worth it talaga lahat ng pinagdaanan ko at mga sakit na naranasan ko bago kami humantong ni Heath sa kasalanan.

Remembering Mr. PerfectWhere stories live. Discover now