Twenty

33.5K 550 34
                                    

Tinaasan ako ng kilay ng mommy ni Ivan habang nakaupo ako sa wheelchair. "She's not even going to stand up and shake my hand?" Masungit na aniya sabay paypay sa sarili niya.




Inilagay ni Ivan ang braso niya sa balikat niya sabay rub doon. "She's still numb dahil sa mga gamot mom. But you two can bond soon kapag okay na siya. Right Tonie?" Sabay lingon sa akin. Kung kaya ko lang igalaw ag katawan ko matagal na kitang nasapak hayop ka! "Dave, pakiakyat si Tonie sa kwarto namin. Pangatlong pinto yun sa kaliwa."




May sinasabi ang mommy niya sa Chinese ng hinatak siya ni Ivan papunta sa kusina nila. Binuhat ako ni Dave bridal style para sundin ang sinasabi ni Ivan.











Inihiga niya ako sa kama, "Miss Tonie, tatlong oras na lang po mawawala na ang pagkamanhid ng katawa niyo. Kapag nagising ka na, ieehersisyo natin ang utak niyo sa mga alaalang nawala ninyo." Nakita ko nanaman siyang may binunot ng syringe sa bulsa niya at gamot.






Gamot nanaman! Hindi ko yan kailangan! Wala akong sakit! Utangaloob wala akong sakit!





"Sa ngayon, kailangan niyo po munang makatulog para makapagpahinga na kayo ng mabuti. Ito na po Miss Tonie." Saka ko naramdaman ang karayom ng hiringilya sa braso ko, napapikit ako sa sakit. Kung ganito rin lang ang ikabubuhay ko araw-araw, gusto ko na lang mamamatay.











Nilingon ko ang orasan sa tabi ng kama na kinahihigaan ko, 9:03 am na. Napabulong ako ng pasasalamat sa Diyos dahil nakiayon sa akin ang mga daliri ko ng iginalaw ko iyon. Masakit ang mga kalamnan ko ng sinusubukan kong umupo. Nagawa ko naman iyon, pero ramdam ko ang pananakit ng bawat parte ng katawan ko na para bang katatapos kong tumakbo ng isang daang milya.





Patayo pa lang ako ng bigla bumukas ang pinto. Si Dave iyon, may hawak na tray. Kumabog nanaman ang dibdib ko dahil baka gamot nanaman ang mga iyon.





Remembering Mr. PerfectWhere stories live. Discover now