Nineteen

33.7K 528 30
                                    

I still feel groggy while I force my eyes to open. Hindi ko alam kung nasaan ako. Sinusubukan kong balasehin ang ulo habang pinipilit ang sarili ko na suriin ang lugar kung nasaan ako ngayon.











"Feichang ganxie ni de shushu Rob (maraming salamat po Tito Rob). Hindi ko na kasi alam kung kanino ako lalapit." Medyo lutang pa ang utak ko sa kung ano man ang pinaamoy ni Ivan sa akin pero malinaw na malinaw sa akin na boses niya ang naririnig ko.











Muli kong binuksan ang mata ko, nakakita ako ng eroplano sa harap ko tapos si Ivan at isang matandang lalake na nakatayo malapit sa hagdan paakyat sa behikulo.











Tinapik ng lalake iyon ang balikat ni Ivan. "Bu yong xie Ivan. Rang wo zhidao ruguo you she me won neng wei ni zuo shenme (You are most welcome, Ivan. Sabihan mo lang ako kung may kailangan ka pa). I will pray for your wife's immediate healing. Here are the files you requested, anjan na ang lahat. Your new passports, visa, birth certificate lahat ng pwede niyo pang kailanganin."











"Hmmm." Ungol ko. Ang sakit-sakit ng ulo ko at hindi ko magawang paganahin ng maayos ang buong katawan ko. Nakita kong napalingon sila sa akin, "Sige na. You two need to hurry." Iyon ang narinig kong sinabi ng matandang kausap ni Ivan bago ako ulit hinatak ng kadiliman.
































I can't remember how long I was out of consciousness. Because when I opened my eyes, we are flying several feet high. Sinubukan kong galawin ang kamay ko, pero nakaposas ang mga kamay at paa ko sa wheel chair na kinauupuan ko.











What the fuck? Nahuramentado ang buong sistema ko hanggang napupumilit ako kumalas sa kinauupuan ko. Mayamaya may lumapit sa aking lalakeng nakaputi na may hawak na tray ng hindi ko alam kung ano.











"Sir Ivan, gising na po si Miss Tonie." Tawag niya. Agad namang lumapit sa akin si Ivan. Hawak niya ang cellphone niya at mukhang katatapos niya lang makipagusap.











"Hi Tonie, how are you feeling?" Nakangiting tanong niya. I want to grab him and punch him so hard in the face! Pero hindi ko magawa dahil sa mga posas na nakakabit sa akin.











"Demonyo ka Ivan! Wala kang puso! Ipapakulong kitang hayop ka!" Sigaw ko sa kanya. Napapikit siya bago tumayo, tinanguan niya yung lalakeng nakaputi bago siya umalis.











"Miss Tonie, tuturukan lang kita ng gamot para kumalma ka ha. Hindi naman ito masakit." Aniya habang may hawak na syringe at sumusukat ng gamot mula sa isang vial.














Gamot? Kumalma?











Napaiyak ako dahil wala akong magawa,"Please tulungan mo akong makalayo sa kanya. Pakiusap." Sandaling napatigil ang lalakeng kausap ko.











"Miss Tonie, you are not well. Kaya po ako andito, para tulungan kang gumaling. " Tugon niya na parang nakikipagusap sa bata. Nilingon ko kung saan naglaho si Ivan. "No please, please listen to me. That man is a monster! He is sick in the head. Tulungan mo ako please."











Pero mukhang hindi naniniwala sa akin ang lalakeng iyon. "Ganoon po talaga ang maiisip niyo Miss Tonie. Pero gagaling din po kayo. Heto na po ha tutusok na ako." Mabait na tugon niya.











I looked at him, dead face. He thinks I am crazy. He fucking thinks I am crazy!! Nagsimula akong magpumiglas ng lumapit na siya sa akin, masakit na ang higpit ng posas sa kamay ko.











"No, no, you got it all wrong! Hindi ako baliw! Hindi ako baliw!!" Pero kahit na anong ulit ko sa mga salitang iyon, mas nagmumukha akong siraulo. Nanlalabo na ang mga mata ko sa luhang namumuo doon habang itinuturok ng lalakeng kasama ko ang laman ng hiringilyang hawak niya.











What did I do deserve this? Hindi ko kilala kung sino ako. Puno ng misteryo ang mga bagay bagay sa paligid ko. Pinagkakamalan na akong baliw ng inakala kong asawa ko. Sino ba ako?


























Muli akong nagising at nasa loob ako ng gumagalaw na sasakyan. Nasa tabi ko si Ivan na busy sa binabasa niya. Sinubukan kong kumilos pero parang ayaw makiayon ng katawan ko sa akin. Mukhang may pumipigil doon, parang manhid ng lahat ng kalamnan ko at tanging mata ko lang ang naigagalaw ko.











"Gising ka na." Narinig kong sabi ni Ivan. Hindi ko siya nagawang lingunin. "Don't you worry, you just feel numb dahil sa gamot na rinegister sa iyo ni Dave. Pero it will wear off soon."











Gusto ko siyang murahin. Gusto kong sabihin sa kanya kung gaano ko siya kinasusuklaman dahil sa mga pinagagagawa niya sa akin. Wala siyang awa. Iniwan naming walang malay si Maya habang dinurugo ang ulo nito. Hinayaan niya ang kung sino mang lalakeng tusukan ako ng gamot na hindi ko naman kailangan. Pinaniwala niya ang mga iyon na may sakit ako sa ulo! Na wala ako sa tamang pagiisip!











Ilang minuto pa bago kami huminto sa isang tatlong palapag na puting bahay. Hindi pa rin ako makagalaw. Pinagbuksan ako nung Dave ng pinto saka ako binuhat ni Ivan pasakay sa wheelchair. Nasaan ba ako?








I want to run! Gusto kong kumawala sa matatayog na pader na itinayo ni Ivan sa paligid ko. Pero saan ako pupunta? Paano ako makakatakas? Kung walang sino man ang naniniwala sa akin? Kung lahat ng tao iniisip na baliw ako?




















May nagbukas ng pinto ng marangyang bahay na iyon. Sinalubong kami ng isang matikas at sopistikadang babae. "Mommy!" Bati ni Ivan sa babaeng iyon sabay halik sa pisngi niya.


















































"Mommy this is Tonie. Tonie this is my mom, Sandra. Welcome to Taiwan."

Remembering Mr. PerfectWhere stories live. Discover now