[ 16.4 ] Hideout

64.3K 767 45
                                    

Chapter 16.4: Hideout

Siya si Jico Choi. Pinsan siya ni Zyril Austin Choi o mas kilala bilang ZAC. Kung titingnan mo, hindi sila magkasundo at mas lalo pa silang nagkaaway dahil hindi hinayaan ni ZAC na makasali si Jico sa grupo nila sa kadahilanan na hindi naman sila magkadugo. Oo, hindi kadugo ni ZAC si Jico dahil kahit pinsan niya ito, ampon lang ito ng kapatid ng Tatay nila. Doon nagsimula ang galit ni Jico at bumuo rin ito ng sarili niyang grupo na kakalaban kay ZAC at 'yon ay ang SE7EN. May pito na pinaka miyembro ang grupo na iyon at ang iba, mga alipores na nila at sunud-sunuran. Kagaya ni Steffi, naghihiganti lang si Jico kay ZAC. Gusto niya na makuha ang kung anong mayroon ito at ipakita kay ZAC na nagkamali ito sa hindi pagtanggap sa kanya. Gusto niya makita nito na hindi siya mahina kagaya ng iniisip nito.

Palagi lang na nagbabantay si Jico kay ZAC at naghahanap ng tiyempo kung kailan niya ito mababawian. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita pa nito si Steffi. Unang kita niya pa lang sa mukha ni Steffi, alam niya na may kinalaman ito kay ZAC at mapapakinabangan niya ito kaya naman nang makahanap siya ng pagkakataon, hindi niya na iyon pinalampas pa at tama ang kutob niya, mahalaga nga ito kay ZAC.

Ngayon ay nasa kwarto kung nasaan si Steffi si Jico kasama ang anim na matalik na kaibigan nito na kagrupo niya sa SE7EN. Pinaalis niya na ang ilan nilang kasamahan para maging handa ang mga ito sa oras na pumunta doon si ZAC. Alam niya naman na hindi ito tutupad sa usapan at isasama din nito ang ibang mga kagrupo. Hinayaan niya lang din na magpahinga doon si Steffi ahil kitang kita naman dito na mahina na ito. Gusto niya na maghirap din ito dahil lalo niya itong papahirapan pagdating ng panahon nang dahil kay ZAC.

"Pre, hindi mo ba talaga ipapagamot 'yan?" tanong ni Justin.

"Baka dito pa matigok 'yan, kawawa naman. Gisingin mo na kaya para makakain 'yan?" dagdag ni Rem.

"Ayoko. Hayaan niyo siya na maghirap."

"Maawa ka naman sa babae, pare." -JM

"Ipapatawag ko private doctor namin, ako na ang bahala." -Enzo

"'Yon naman pala, eh. Papuntahin mo na kaagad," sagot ni Ralph.

"Oo nga pala, pare. Ano ang plano mo sa babaeng 'yan? Mukha naman wala tayong mapapala sa kanya," tanong ni Clark.

"Siya ang ginawa kong pain para mapapunta dito 'yung ZAC na 'yun. 'Yun lang," sagot ni Jico.

Sina Rem, Justin, JM, Enzo, Ralph at Clark ang anim pa na miyembro na bumubuo ng grupo ni Jico. Matagal na sila nitong magkakakilala at alam niya na mapagkakatiwalaan ang mga ito. Kagaya ng 11SG, galing din ito sa mayayaman na pamilya, disente tingnan at may kakayahan na labanan ang grupo ni ZAC.

Napansin nila na nagising na si Steffi pero nanatili lang ito na nakahiga.

"Okay ka lang?"

"Mukha ba akong okay? Wala ka rin naman pakialam kung okay ako o hindi, 'di ba? 'Wag ka na lang magtanong," mataray na sagot ni Steffi.

Nilapitan siya ni Jico para tanggalin ang tali nito sa kamay at inabutan niya ito ng pagkain.

"Namumutla ka na. Hindi ka pwedeng magcollapse dito kaya kumain ka na."

"Pwede ba na iwan niyo na lang ako dito? Kung gusto niyo maghintay kayo sa labas. Hindi naman ako makakatakas dito, 'di ba?"

Iniwan na lang siya doon ni Jico. Kahit na gawan niya ito ng kaunting kabutihan, mukhang mananatili pa din itong galit sa kanya dahil sa ginawa niya dito. Paano ba naman, dahil lang sa isang pangyayaring iyon, nadawit siya sa ganitong bagay. Masyado ng magulo ang mundo niya sa loob pa lang ng school, nadamay pa siya sa awayan ng magkaibang grupo sa labas ng school.

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon