"Wow! Ang cute nyo pala noong mga bata pa kayo ni Xander" nakatingin si Ian sa invitation habang sinasabi iyon. Bukod kasi sa present picture nila may nakalagay din doon na picture nila noong three years old palang sila. And I agreed to Ian ,ang cute nga doon ni Xandra.

"Salamat ! Hanggang ngayon naman diba?" proud naman na sabi ni Xandra. Tinaas-taas nya pa ang kilay nya.

"Gutom lang iyan Best. Try mo kayang kumain then tingin ka sa salamin para malaman mo ang totoo" pang-aasar naman ni Sam. Sinundan nya pa iyon ng tawa.

"Busog ako no! Baka ikaw ang gutom" sabi nya. " Tumataba ka na Best. Lakas nyo kasing kumain ni Caden" dagdag nya at nginisihan nya pa si Sam.

Napasimangot na lang si Sam. Talo sya sa asaran ni Xandra.

Naramdaman ko na tumabi si Xandra sa akin.

Hindi parin ako lumilingon sa kanya.

" Vincent , ito invitation mo" sabi nya sa akin. Itinapat nya pa ang envelope sa bandang mukha ko kaya naharangan niyon ang pinapanood ko.

"Vincent " ulit nyang tawag sa akin.

No choice kailangang magpanggap na interesado ako sa invitation

Kasi nga hindi alam ni Xandra na ako ang nag-ayos ng birthday party nya.

" Invited ako?" baling ko sa kanya kunwari'y suprise na tanong ko. Kinuha ko sa kanya ang invitation.

"Bwahahahahahahah!" sabay-sabay na tawa ng mga kaibigan ko. Tinapunan ko sila ng masamang tingin. Sarcastic kasi ang pagkakatawa nila. Alam nila na umaarte lang ako .

" Ang dami nyong tawa ah" I snapped and throw a meaningful stare at them..

Nakakakainis sila! Baka makahalata si Xandra. Ang hirap magtago ng secret sa taong mahal mo. Nakaka guilty. 'Di bale last na ngayong araw na ito. Bukas malalaman nya na. Dooms day ko na!

"Vincent punta ka ha" sabi nya pa sa akin. Tumango lang ako . Hindi ako nakatingin sa kanya. Ibinalik ko ang paningin ko sa movie na Thor. Huminga ako ng malalim. Sobrang nakakaguilty talaga.

"Guys kain na kayo ng ice cream" yaya ni Sam. Una nyang binigyan ng ice cream na nasa cone si Caden. Si Caden naman ay parang batang kinuha ang ice cream. Namimilog pa ang kanyang mga mata then dinumog na ng mga barako ang ice cream.

Hay! Parang mga bata sila pero nakakaingit sila kasi wala silang itinatago na katulad ko.

"O ice cream para lumamig ang ulo mo" sabi sa akin ni Xandra. Iniaabot nya ang ice cream sa akin. Kinuha ko naman.

"Kainin mo iyan kasi parang ang bigat ng dinadala mo" sabi nya pa habang dinidilaan nya ang ice cream.

Natigilan ako. Masyado na bang halata na may itinatago ako sa kanya? Maybe I need to loosen up and forget it for a while.

"Ang kalat mong kumain ng ice cream" sabi ko sa kanya at pinunasan ko pa ng panyo ko ang gilid ng bibig nya.

"Vincent ! Ito Lays. Saluhin mo" sigaw ni Matheo at inihagis nya sa akin ang Lays. Hindi ko nasalo busy pa ako sa pagpupunas ng bibig ng katabi ko eh. Tinamaan sa ulo si Xandra. Buti na lang naka foil pack iyon kundi magkakaroon ng bukol si Xandra. Napahawak na lang sa kanyang ulo si Xandra.

FASTFORWARD...

Nagkwekwentuhan na lang kami kasi tapos na ang pinapanood naming Thor. It's almost five PM na. Naubos na rin naming kainin ang mga junkfoods at ice cream . Minsan iniisip ko kung ginugutom ba ng mga magulang nila itong mga kaibigan ko kasi parati silang gutom. O baka naman may mga sawa na sila sa tyan. Tsk!Tsk! Akala ko si Caden lang ang reregaluhan ko ng pangpurga ngayong Pasko , lahat pa la sila.

My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/PastrybugWhere stories live. Discover now