My Fiancé Since Birth<3

643K 5.5K 516
                                    

Attention: (Please Read)

Sa reader na laging pinupuna ang grammar ng isang istorya ay pinapangunahan na kita. Hindi para sa iyo ang istorya na ito kaya kung kasalukuyang binabasa mo ito ay malaya kang maghanap  na ng ibang istorya na tama ang grammar at ang pagkakatype ng spelling. Dahil aminado ako na sobrang dami ng errors dito sa istorya ko. Papasakitin ko lang ang ulo mo kaya ngayon palang ay pinahahalahanan na kita nang maayos para hindi kana mag-aksaya pa ng oras na magcomment na maraming errors itong MFSB. Wala pa kasi akong oras para ayusin ang mga mali dito ,marami rin akong ginagawa kaya wala pa talaga akong time para mag-edit. Kung malinaw na sa iyo at handa kanang sumakit ang ulo mo nang walang reklamo sige lang basahin mo at sana masiyahan ka. Please lang walang magcocomment tungkol sa grammar dahil alam ko na marami ditong errors.

 First of all I want to remind all the readers that this is only a fiction and from my point of view  it's never gonna happen in  real life.  This story was a product of my craziness and don't take it seriously. I made this just to entertain the readers . The characters and their characteristics are all from the writer's vague mind.

Nagawa ko ang istorya na ito dahil lagi ko na lang nababasa dito sa wattpad na  ang girlalooo na character ay mostly NBSB (No Boyfriend Since Birth) .  Kaya pumasok sa malikot kong imahinasyon na  gumawa ng istorya na ang babae ay  hindi NBSB . What if hindi pa sya naipapanganak pero may fiance na agad?

Please  kung  napagdesisyunan mo na ipagpapatuloy mo ang pagbabasa nitong gawa ko  kalimutan mo muna ang  reality.   I hope in the end ay  masayahan kayo sa story na ito at maappreciate nyo ang paghihirap  ko. Ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa iyo kasi naglaan ka ng oras para basahin ito. 

Happy reading!

¸¸.•*¨*•*'¨)

¸.•'¸.•*'¨) ¸.•*¨)

(¸.•' (¸.•' ¤ Thank you!

   Annah

¸¸.•*¨*•♫♪¸¸.•*¨*•♫♪¸¸.•*¨*•♫♪¸¸.•*¨*•♫♪¸¸.•*¨*•♫♪¸¸.•*¨*•♫♪¸¸.•*¨*•♫♪



Prologue

"Honey nakita mo ba si Van?" tanong ni Madeline sa kanyang  hubby na si Sin.  Napansin nya na wala sa kanyang tabi ang kanilang  limang taong gulang na  baby boy na si Van.

"Sweetie hindi ko napansin eh" sagot naman ni Sin.

 Sinuyod ni Madeline nang tingin ang buong paligid ng kuwarto pero wala talaga si Van.  "Oh my nawawala si Van!" kinakabahang  wika ni Madeline. 

"Let's go guys hanapin natin  ang aming baby boy" yaya ni Sin sa kanyang mga kaibigan na nandoon sa kuwartong iyon. Kasalukuyan kasing tinitingnan nila ang bagong silang na baby ng  isa sa kanilang kaibigan na si Jerry. Sa kakulitan ng kanilang mga kaibigan  dahil pinagkakaguluhan nila ang bagong baby ay hindi nila napansing mag-asawa na ang kanilang baby boy na lumabas ng  private room na iyon ng St. Mary's hospital.

"Sweetie don't worry makikita din natin si Van"  niyakap nya ang kanyang asawa na mukhang iiyak na sa sobrang pag-aalala. Pilit n'yang pinapakalma ang kanyang asawa .  Pero  sa sarili n'ya ay nakakaramdam na rin s'ya ng pag-aalala  para sa kanilang anak. 

Sabay-sabay na nagsilabasan sila ng private room na iyon  para hanapin si Van .Inisa-isa nila ang pwedeng puntahan  ni Van. Ang kanilang mga kaibigan ay naghahanap narin sa ibang ward at private rooms..

Mahigit kalahating oras nang naghahanap  ang mag-asawang Sin at Madeline nang mapadako sila sa mga hilera ng mga private rooms sa third floor.  

My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/PastrybugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon