"Lalamigin ka mamaya kaya isuot mo na iyan." inayos pa nya ang pagkakalagay roon. Hindi na ako tumanggi pa. Mas lalo kong naamoy ang kanyang pabango. Hindi malabong dumikit ang amoy na iyon sa aking balikat o di naman kaya'y maghalo sa sarili kong pabango.

"Ang sarap naman panoorin ng lovers na ito." tuya sa amin ni Max na naka-palumbaba pa sa lamesa habang nakatingin sa amin.

"Di kami lovers." saway ko sa kanya.

"Di raw. Eh hindi nyo nga po napansin na kakain na. Busy kasi kayo sa sarili nyong mundo r'yan."

Nang sabihin nya iyon ay may naglapag na sa amin ng iba't ibang pagkain. Inayos ni Maxine ang inilapag sa harap nyang puting pinggan. Ako naman ay pasimpleng tinignan ang ginagawa ni Kei. Inaayos nya ang kanyang table napkin. Ganoon na rin ang ginawa ko at tahimik na kumuha ng ilang makakain.

Tahimik ang unang minuto ng aming kainan. Kahit kami ni Maxine ay hindi nag-uusap. I looked at Kei again. Nakita ko itong sumilip sa kanyan cellphone at nagtipa ng ilang segundo roon bago ibinalik ang atensyon sa pagkain.

Who was he texting? Is it that important na kailangan ay maantala pa ang pagkain nya ma-reply'an lang ang taong iyon? And he didn't even text me ealier na male-late sya ng dating!

Nag-umpisa na akong mawalan ng gana sa pagkain. "Chloris..." inusog sa akin ni Kei ang isang platito na may lamang dessert.

"I'm full. Hindi ko na iyan makakain. Salamat nalang." wika ko sa kanya kahit ang totoo'y kanina lang ay puro pagkain ang naiisip ko.

"Hindi ka kumain ng marami." puna nya. Nilinis nya ang sariling labi gamit ang napkin at ipinatong iyon sa tabi. Kaunti lang din ang kinain nya. Alam ko, kahit ang putahe na kanyang kinuha ay alam ko rin.

"Hindi ako gutom." iyon nalang ang sinabi ko bago uminom ng tubig.

"The food's actually good, Chlo. Tapos ka na talaga?" saad ni Max habang kumakain ng dessert. Tumango lang ako bilang pagsagot.

Kahit sa gawi ako ni Maxine nakatingin ay pansin ko pa rin ang pagtitig sa akin ni Kei. Ayan na naman sya. Hinahanap na naman nya ang mali sa akin. Am I too easy to read? Kahit nga ako ay hindi ko mabasa ang sarili ko.

"May problema ka ba?" tanong ni Kei. Naka-abang din si Max sa isasagot ko. Umiling lang muli ako. Wala naman akong problema, ah? Mukha ba akong may problema? It's just that, nawalan lang ako ng gana kumain. Iyon lang, walang ibang malalim na dahilan para hukayin pa nila.

Tumahimik na kaming muli. Ang ilan naming kasama ay nagkwentuhan na dahil kakatapos lang namin lahat kumain. Ako naman ay nakikinig lang sa kanilang kwentuhan at minsa'y nakikitawa rin sa ibang asaran.

Kei chose to stay silent and often times, consult his phone for new messages. Alam na alam ko dahil nakikita ko kung paano mag-type ang kanyang daliri. Lalo akong naiirita sa gawain nyang iyon. Gustuhin ko mang silipin ang ka-text nya ay hindi ko naman makita dahil masyado iyong tago.

"Chloris, balita ko ay kayo na raw?" ngumuso ang isang babaeng kasama namin kay Kei. Diretso ang tingin ni Kei sa babae. Hindi mo mabasa kung nairita ba ito sa itinanong sa akin o ano.

"Hindi kami. Wala akong balak na mag-boyfriend hanggang sa makatapos ako sa pag-aaral." sagot ko sa kanya at banayag na ngumiti. Mabilis din namang nawala ang ngiti na iyon at napalitan ng seryosong mukha. Yeah, I shouldn't think about relationships.

Siniko sya ng isa pang babaeng katabi nya at may ibinulong rito bago muling humarap sa amin. "Ano pala iyong kumakalat sa mga classmates mo na may something na raw sa inyo. MU?" napangisi si Kei sa tanong na iyon. Bakit ngumingisi na naman ang isang 'to? Napaka-hirap mo talagang basahin!

"Hindi ko alam kung anong kumakalat na balita pero kung ano man iyon ay wala iyong katotohanan. Bata palang kami ay kilala na namin ang isa't isa kaya hindi malayong mapag-isipan kami ng ibang tao na may something nga sa amin." mahaba kong paliwanag.

Everyone looks satisfied with my answer bago muling humirit si Max. "Pero nanliligaw si Kei kay Chloris. Diba Kei?" tumingin si Max kay Kei to get his approval. Kei just nodded his head bago ako naka-kalap ng ilang singhap sa mga kasama namin.

Just great, Max! Kaibigan talaga kita! Ang daldal mo. "So may something nga!" a guy said with
 finality. I can't argue with them kaya't tumahimik nalang ako at ngumiti. "Kailan pa?" dugtong nito ng nakatingin kay Kei.

"I like her since we were little." parang kiniliti ang mga babae sa narinig na sagot kay Kei. Kahit si Maxine ay tinutusok ang tagiliran ko para mang-asar.

"Meaning first love mo si Chloris?" tanong noong babae kay Kei. I just remained silent. Bigla kong naalala ang ibang pangyayari noong mga bata pa kami.

The way Kei follows me all the time. The way he listens when I play my piano and the way I watch him when it was his turn to play his piece. He's an introvert child since then, ako naman ay pinagpipilitan ng magulang kong makihalo sa ibang mga bata kahit na ayaw ko habang sila ay abala sa pagpapakilala sa aking kapatid sa ibang malalaking tao.

In the end, I would just feel so out of place that I always decided to stand in a corner where Kei is always there. Nakatayo lang kami roong dalawa ng tahimik. Walang nagsisimula ng usapan but that's what I always want. I never belong to any group until I met Maxine.

"Yes." maiksi nitong sagot ng walang pag-aalinlangan.

For a girl like me to be loved, hindi ko iyon makitaan ng dahilan. Why me? I just can't understand how one person can see the true beauty in me that I still can't define.

Lumutang ang isip ko sa himpapawid hangga't sa namalayan ko nalang ang isang kamay na nakalahad na sa aking harap. "Can we dance?" tanong sa akin ni Kei. It brings back the memories of the ten year old us where he also invited me for a dance. I didn't think twice to reject that offer. Namutawi ang kalungkutan sa loob ko ng mga panahong iyon while he just smiled at me for a second before leaving me.

I rejected him countless times in many ways. Ngayon ay inangat ko na ang aking kamay at ipinatong sa kanya. For the first time right? First ever dance with Kei and first ever dance with a guy. "I can't dance." mahina kong amin bago tumitig sa kanya. Lumunok ako ng ilan pang beses. Nilakasan ko ang loob ko para muling makapagsalita. "Would you dance me still?" muli kong pahabol.

"I can lead." magalang nyang sagot bago yumuko sa aking harap at hinila na ako patayo. Ngumiti nalang ako at nakihalo na kami sa ibang taong nagsasayaw.

Killing Him [COMPLETED]Where stories live. Discover now