Night One

1.2K 22 1
                                    

Guys, don't read this if you're too innocent, sensitive and close minded. Please. This is for your own sake. And as I said, read at your own risk. Na-report na siya before and ayoko ulit mangyari yun. Haha. So yes, enjoy reading. Keep leaving lovely comments!

ps. Do you know the movie 'I Spit on your Grave 2'? 'Yun, may pagkakatulad iyon dito. Yung first lang naman but iniba ko yung plot so I ain't copying anything :)

pps. this is a brutal story. I'm telling you. Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sinulat ko 'to. Nasa dilim ako ng buhay ko nang sinusulat ko to. Haha.

ppps. sa mga taong nakakakilala sakin, hiii. Dito niyo makikita ang ibang side ko. :))))

- rose, ang batang malikot ang utak.

READ AT YOUR OWN FUCKING RISK!!!

.

Night One

"Julie, pasensya ka na talaga ah? Sasabihan nalang kita kung merong naghahanap ng mga bagong model. Sa ngayon kasi wala pang naghahanap," sabi ni Kath.

Tumango ako sa kanya at ngumiti.

"Ano ka ba! Ayos lang 'no. Buti nga nandiyan ka eh. Salamat ah?" sabi ko sabay hawak sa kamay niya.

"Wala 'yun. Ikaw pa," sabi niya sabay ngiti. Maya-maya tumunog 'yung cellphone niya at binasa ang message. "AY! Oo nga pala. Julie? Pwede mauna na ako? Si Nanay pala may check up. Pasensya na talaga."

Tumango ako at nagpaalam na siya.

Nandito ako ngayon sa coffee shop. Nakipagkita lang ako sa kanya kasi wala rin naman akong magawa tsaka para na rin makibalita kung mayroong naghahanap ng model.

Ininom ko 'yung kape at lumabas na ng coffee shop. Naglalakad ako sa gilid ng daan pero maya-maya naramdaman kong may sumusunod sa akin kaya huminto ako para lumingon sa likod ko. May nakita akong isang lalaking kulot na nag-iwas ng tingin. Umiling ako at nagpatuloy sa paglalakad. Sinadya kong lumiko sa maliit na iskinita at tama ang hinala ko, sinusundan niya ako.

Naglakad pa ako ng konti at inabangan siyang lumiko.

Nilabas ko ang cutter na nakatago sa bulsa ko. Meron ako nito kung sakaling may magtatangka sa akin. Hinila ko siya at tinulak sa pader at tinutok ko 'yung cutter sa leeg niya. "Anong kailangan mo sakin? Bakit mo ko sinusundan?" tanong ko. Kita ko sa mukha niya ang takot. Maputi ang kutis ng balat, matangos ang ilong, at kulot sang itim na buhok. "Sumagot ka!" sigaw ko at mas lalong nilapit ang cutter sa leeg niya.

"T-teka. Wala akong balak na masama, Miss. Nakita ko lang na pwede kang maging model. Maganda ka at maganda rin ang katawan mo. Yayayain sana kita kung gusto mong maging model. Subukan mo nalang mag-apply sa company namin," paliwanag niya.

Unti-unting nawala ang kunot sa noo ko at pagtigas ng bagang. Unti-unti ring lumuwag ang hawak ko sa kanya at ganun din ang paghinga niya ng normal.

"'Wag mo kong pinaglololoko," sabi ko sa mahina boses na sakto lang sa pandinig niya. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa bago binalik sa bulsa ang pulang cutter.

"Hindi kita niloloko. Ito, 'yan ang calling card. Tawagan mo nalang kami kung interesado ka. Sige, bye!"

Bago pa ako makakurap ay nawala na siyang parang bula sa harap ko at kumaripas ng takbo palayo.

Tinignan ko ang calling card na nasa kamay ko at nilagay sa bulsa.

Nakatira lang naman ako sa apartment. Matagal na rin akong nakatiro dito simula palang nung seventeen years old ako. Pumasok na ako sa loob at umupo sa sofa. Kinuha ko 'yung magazines na nasa ilalim ng lamesa. Parati kong tinitignan 'to, nangangarap na balang araw ako na 'yung nakalagay doon.

NightmareWhere stories live. Discover now