Prologue

2.1K 33 9
                                    

Prologue

Ako si Julia Morales. Dalawampung taong gulang. Hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa kapos kami sa pera. Pero madami na rin akong nalalaman at natutunan dahil sa mga trabahong napasukan ko para lang mabuhay.

Kung hindi niyo kasi natatanong ay wala na ang mga magulang ko. Nasa langit na sila kasama ang dalawa ko pang kapatid. Nagkaroon kasi ng sunog dati sa tinitirhan naming bahay at naiwan na lang akong mag-isa. Labing-anim na taong gulang pa lang ako noon. Lahat na pinasukan ko para lang makaraos sa araw-araw. Hanggang sa maging secretary ako sa isang opisina. Nasa tamang edad na ako noon.

Sa ngayon wala akong trabaho. Gusto mang mag-stay sa trabaho ko pero mas pinili kong humanap ng paraan para maging modelo. Oo, pangarap ko talagang maging model, sikat na model. Maganda naman ako, sexy nga kung tawagin. Alam kong bagay akong maging isang model.

Isang araw nasa isang coffee shop ako para makipagkita sa kaibigan kong madaming alam na kumukuha ng mga model. Sinabi niya na tatawagan nalang daw niya ako ulit kung mayroon. Paglabas ko ng coffee shop may naramdaman kong may sumusunod sa akin kaya tumigil ako at lumingon. Nakita ko ang isang lalaki na nag-iwas ng tingin. Muli akong naglakad pero naramdaman kong sinusundan niya talaga ako. Nilingon ko ito at tinignan nang masama.

Sinabi niya na maganda daw ako at nag-hahanap sila ng model.

Umuwi ako sa apartment at tinignan 'yung mga magazines na nagmomodel ng damit hanggang sa naalala ko na may dapat pala akong tawagan. Tinawagan ko 'yung Modeling Agency at tinext nila sa akin kung saan ang agency nila. Hindi pa sila ganoon kakilala pero dahil sa kagustuhan kong maging model ay pumunta ako.

Hindi ko alam na ang pangarap ko ang magiging dahilan ng ikapapahamak ko.

--

Finished: March 09, 2014

NightmareWhere stories live. Discover now