Chapter 55: Departure

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi natatapos ang tanong kahit na bumalik ang alaala niya. At alam ko, hindi din matatapos ang sakit na pwede kong maramdaman pag kasama siya.

Matagal ko na namang naiisip yan simula nung pagdating niya kaso meron at meron talagang pumipigil sa akin.

Isang pagasa na kahit napakaliit eh pinipilit kong hawakan.

Mahal ko yung tao eh.

Oo, pinapalaya ko na siya pero hindi ibig sabihin hindi ko na siya mahal.

Yung fact na nasaktan ako sa sinabi niya kanina eh ibig sabihin may nararamdaman pa ako.

Ang sigurado lang ako hindi na ganun katindi ang pagmamahal ko para magstay ako at hintayin siya.

Pagod na ako eh.

Makakamove on din ako. Kahit unti unti. Kakayanin ko.

Gusto ko lang naman sumaya pero bakit ang hirap?

Wala na kasing kasiguraduhan sa kanya.

Mahal ko siya pero di ko na alam kung kaya ko pa ba ipagpatuloy ang lahat.

Maybe time transforms a love for someone.

Yung iba, lalong tumitindi kaso yung akin sumusuko na talaga.

Isa lang naman ang hindi ko matatanggal sa pagpapalaya ko kay Warren eh.

He will always be special for me.

At dahil dun kailangan ko na atang dumistansiya sa kanya.

_______________________________________________________________________________

Hindi naman ako sinundan nun ni Warren. Pagkalabas na pagkalabas ko kasi eh tumakbo na ako. Hindi na ako umiyak pero yun nga nanginginig ang mga tuhod ko. 

Pumunta ako sa library muna tutal wala namang klase at hihintayin ko pa na matapos ang practice ni Patrick para makauwi na kami. Ayoko din ipakita ang mukha ko kay Patrick. Alam kong may something eh. Hindi man ako naiyak alam kong may iba pa din sa pagmumukha ko. Eh si Patrick pa palagapasin yun.

Alam ko nauna nang umuwi sila Jayson kaya ayun magisa na lang dito.

Sinandal ko ang ulo ko sa lamesa.

"Everythings gonna be alright. Tama yung ginawa mo Ray kaya dapat hindi ka makaramdam ng ano mang pagsisisi" Huminga ako ng malalim "Ito ang tama. Dapat matagal mo na tong gawin"

Paglingon ko sa harap ko eh may nakita akong tao na ayokong makita sa araw na yun. Mali, di ko pala gusto na makita siya kasi pumapasok lang sakin ang maraming tanong na gusto kong itanong sa kanya. Mga tanong na di ko matanong kay Warren baka anong sakit na salita pa ang masabi niya. Mga tanong na alam kong alam niya din ang kasagutan.

Fate of Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon