[12]

2.4K 73 2
                                    

Chapter 12: Dance with my predator

***

Someone pov

Mahaba habang kalsada ang dinaanan namin, marami rin kaming mga nakasabay na bisita na siguradong gustong gusto ng makita ang dalawang anak na matagal na itinago ng Royal Mafia. Maraming puno ang kalsadang dinaanan namin at pagdating sa mataas na gate ay isa na namang napakahabang daan ang aming tinahak. Napakalaki talaga ng lupain ng nga woldart kaya maraming nahuhumaling na makuha ang kanilang titulo.

Pagkarating naman sa dulo ay may malaki pang bilog na fountain kung saan pabilog rin ang daan, iniikot ko naman ang aking kotse bago dumiretso sa napakalaking parking lot. Napailing na lang ako. Soon... Ang lahat ng ito ay magiging akin. Kahit si Solemn Raina, sisiguraduhin kong aking lang siya.

Pagkababa ng kotse ay may tumigil ring kotse sa harapan ko at bumaba si Jack Sinclair, tinanguan niya naman ako kaya ngumiti lang din ako ng tipid.

"tara na." aya ko. At tulad ng ibang mga panauhin ay tinahak namin ang daan papunta sa naglalakihang double door. Iginaya kami ng isang lalaki papunta sa mahabang hallway na may mga nakasabit na chandeliers.

Kita ko ang pagkamangha at inggit ng iba at muli na naman akong napangisi. Sa dulo ng hallway ay isa na namang malaking double door ang pinasukan namin at mukhang eto na nga ang main hall. Masyadong maliwanag ang malaki at napakaluwag na kwarto. Engrande. Higit pa diyan ang masasabi ko sa ganda at yaman na isinisigaw ng main hall na gold and silver.

"di ko akalaing ganito pala sila kayaman." bulong ni Jack sa akin at nagdiresdiretso naman ako ng lakad papunta sa isa sa mga glass table. Kinuha ko naman yung alak na nakalagay sa tray ng dumaan na waiter at hinigop ito.

Kailangan ko na lang ang maghintay. At mangyayari na ang lahat ng kagustuhan ko.

***

Sora pov

Nakihalubilo ako sa mga bisita at nagpanggap na isang panauhin lamang, gayun pa man ang iba ay hindi pinansin ang aking presensiya samantalang marami ang nagsabi sa akin tungkol sa kuryosidad nila sa dalawang taong may kaarawan ngayong araw. I just smiled at them before leaving. Gano'n lang ang aking ginagawa. Tatabi. Makikinig. Ngingiti. Aalis.


Tumalikod na ako at paalis na sana ng may makabunggo. Dahil sa nawalan ako ng balanse sa lakas ng impact ay agad naman sinalo ng nakabunggo ang aking braso.

"sorry miss" sabi niya at nag angat naman ako ng tingin para makita ang mukha ng lalaki. Dahan dahan nagregister sa akin ang mukha niya at nakita ko rin ang gulat na gumuhit sa kaniyang mukha.

"sora?" di makapaniwalang tanong niya. Such coincidence. Hindi ko akalaing parte rin pala ng Mafia ang lalaking ito.

"stanley..." banggit ko sa pangalan niya na tanda ko pang sinabi niya ng tulungan ako sa national book store, at di ko akalaing sa pangalawang pagkakataon ay magkikita kami dahil sa clumsiness ko.

"what a surprise! Sinong kasama mo?" mabilis niyang tanong.

"my family." walang gana kong sabi. Tumugtog naman ang mga musikero ng mabagal na kanta at nagsimulang mag sayaw ang iba sa gitna. Sa di inaasahang pagkakataon ay yumuko ang aking kaharap at inilahad ang kaniyang kamay.

"may i have your first dance, milady." ngisi niya na ikinangiti ko. Maybe I'll play along for now hangga't hindi pa nagsisimula ang totoong party.


"okay." ngiti ko at nilagay ang palad sa kaniyang naghihintay na kamay.



We sway with the slow music played by the orchestra. Hawak niya ang isa kong kamay habang ang isa naman ay nakalagay sa aking likuran.

The Mafia And The Golden Fairy ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon