[9]

2.3K 70 0
                                    

Chapter nine: First kiss

"you hate me!" usal ko sa pagitan ng pag ubo ng tubig habang ang isa kong kamay na may hawak na kwintas ay nasa aking dibdib.



"are you okay?!"


*cough*cough



"damn! Talk to me!"


Nagpatuloy ako sa paghabol ng aking hininga. Madilim na ang paligid ngunit naaninag ko pa rin ang mukha ni Shin. Umayos ako ng upo bago siya tinitigan sa mata... Those eyes.... Those eyes hated the royals... Those eyes hold a grudge against them... Against me. And sooner he is going to kill me.




Agad akong nag iwas ng tingin at tumayo para sana pumasok sa cabin ng yacht ng hinablot ni shin ang aking braso. Basang basa rin siya katulad ko at patuloy ang pagtulo ng tubig mula sa kaniyang nagulong buhok.


"how are you feeling?" mahina niyang tanong at muli akong napayuko.



I feel guilty.

"o-okay na ako." mahina ko ring sabi at hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa.




Yinakap niya ako. Sobrang higpit na halos maflat na ako. Ramdam ko ang init ng katawan niya at ang malakas na tibok ng puso na hindi ko alam kung sa akin ba nanggagaling... O sa kaniya.




"natakot ako. Natakot ako na baka mas malala pa ang nangyari sayo." sinara ko ang aking mata bago gumanti ng yakap sa kaniya.


"sorry..." bulong ko at idinantay ko ang aking ulo sa kaniyang balikat.


How ironic. We are like Romeo and Juliet. Forbidden. Foe. Two persons who shouldn't see each other, yet here we are... Hugging one another as if the world doesn't exist.

And it is all my fault. Everything is my fault. Nagsinungaling ako. Tinago ko ang katotohanan. Ginawa ko ang mga bagay na gusto ko. At ngayon nalalapit na ang araw ng aking pagbagsak.

"sorry..." bulong ko ulit at mas lalong hinigpitan ang pagyakap sa kaniya.

***


Thyme pov

Iginala ko ng tingin ang paligid habang minamaneho ang aking motor, pauwi na sana ako papuntang condo pero napansing kong may isang itim na sasakyan ang sumusunod sa akin kaya mas binilisan ko ang pagpapatakbo papunta sa mataong lugar.



Ngunit nasa highway pa lang ako ay nagpaputok na agad sila. Shit! Iniliko ko ang motor at mabilis na dumiretso sa kaliwang bahagi ng daan kung saan kaunti lang ang mga sasakyan.




Kriiiiing...

Double shit! Gamit ang isang kamay ay kinuha ko ang aking cellphone para sagutin ang tawag.




"what?! Damn! May humahabol sa akin dito sa east!" sigaw ko ng makita ang caller at agad na pinatay ang tawag.

Bang!

Kinapa ko ang baril sa aking likuran at nagpaputok rin habang nagmamaneho. Di ko alam kung tinatamaan ko ba sila o hindi pero bahala na! Baka sakaling tsumamba at matamaan ko ang gulong ng kotse!

Muli akong nagpaputok at maya maya'y itinigil ko ang aking motor sa bandang gilid ng marinig ko ang pagsabog mula sa aking likuran. Nilingon ko ang mga kalaban at nakita sila Basil roon na nakasandal na sa kotseng humahabol sa akin kanina. Ambilis naman nilang nakarating!

The Mafia And The Golden Fairy ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon