[10.1]

2.5K 81 4
                                    

Sora pov

Dumaan ang kotse sa likod ng building ng kompanya ni dad, pagdating naman sa pinto sa likod ay may nilabas na card si chief at tinapat iyon sa detector para maiscan. Napangiti ako ng bumukas ang pinto na nagkokonekta sa elevator.


"thanks. Hintayin mo na lang ako dito." ngiti ko kay chief bago pumasok sa loob. Agad kong pinindot ang 76th floor at umakyat naman agad ang elevator.


Ilang minuto akong naghintay roon hanggang sa tumunog ang elevator at bumukas ito. Agad na bumungad ang opisina na ni dad at mula rito ay kitang kita ko siya na nakaupo sa kaniyang swivel chair habang may binabasang papel.


Lumabas ako mula roon at huminto sa tapat ng table ni dad, hindi siya nag angat ng ulo pero alam ko na alam niyang may tao sa harapan niya.


"you should be at home, not in my office Solemn." bahagya akong napangiwi sa tono ng pananalita niya. Mukhang hindi niya nagustuhan ang pagdiretso ko rito.


"nah. I have a question" walang gana kong sabi.



"bakit di ka muna maupo, princess. At gaano ba kaimportante yan?"


Naupo naman ako sa upuan sa harap niya at tinignan si dad na hindi pa rin nag aangat ng tingin.



"just something that is bothering me." panimula ko bago ibaling ang tingin sa kisame "bakit inaatake mo pa rin ang phantom. I thought doing that before is just a game to test me?"


Di ko namalayan na nag angat na pala ng tingin sa dad at tinignan niya lang ako ng kunot ang noo. Kumunot rin ang aking noo at naghintay sa kaniyang sagot.


"why would i do that? Wala akong nilabas na order tungkol sa mga nangyayari ngayon. Why would our mafia do such unreasonable attacks?" takang tanong niya rin na lalo kong ipinagtaka. Gaya ng sinabi ko kanina, hindi gagalawa ang mafia ng walang sapat na dahilan. We use our mind as power... That is our asset.

"you mean... Walang kinalaman ang royal sa pagatake sa mga phantom?"


"yeah. And I think you should head home. Marami pang nakaschedule na gagawin mo ngayon."


"okay. Bye dad."


"bye, princess. And one more thing... Here." kinuha ko yung inabot niyang box. Lumipat naman ang tingin ko sa kaniya pero ngumiti lang si dad sa akin.


"what's this?"


"open it tomorrow. It's a birthday gift. Use it tomorrow." ngiti ulit ni dad at tumango na lang ako bago tumalikod papunta sa private elevator niya.


***

Tumigil ang sasakyan sa tapat ng mansion. Mula sa bintana nito ay tanaw na tanaw ko mula rito ang golden's tower. My nightmare. Alam kong nagawa iyon ni dad para maging bihasa ako sa paggamit ng aking utak. Nagawa niya iyon para itago ako sa lahat, upang walang makaalam sa akin para na rin sa kaligtasan ko.


"darling!" mabilis kong binuksan ang pinto ng marinig ang boses na iyon. Bumaba ako sa kotse at tumakbo sa kaniya upang yakapin ang aking ina.

"mom! I missed you!" ngiti ko mula sa mahigpit na pagkakayap niya.

"i missed you darling. Bakit ngayon ka lang dumating? Kanina pa ako naghihintay sayo!" pout ni mommy na lalo kong ikinangiti. How i missed her face.


"dumaan pa ako kay dad." sagot ko pero napansin kong nakatingin siya sa hawak kong box. "it's a present from dad."



"i see." ngiti ni mom at iginaya na ako papunta sa loob.

The Mafia And The Golden Fairy ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon