Chapter Thirty Four - Vulnerability of Both Sides

Start from the beginning
                                    

I never thought I would say this shit....

Pero...

Posible bang magmahal ng dalawa?

Dati akala ko masaya ako kapag kasama ko si Jed kasi di ko pa kayang mag-isa, kasi gusto ko pa si Kurt. Dati, marinig ko lang ang pangalan ni Kurt mabilis na titibok ang puso ko kahit pilit kong pigilan. Dati si Kurt lang..

Pero put*nginang DATI yan.

Bakit ngayon kapag kasama ko si Jed ayoko na siyang umalis? Bakit ngayon nawawala sa puso't isip ko si Kurt sa tuwing naiisip ko si Jed?

Kung pu*tangina pala ang DATI. Mas lalo naman pala ang NGAYON.

Ngayon gulung-gulo ako. Ngayon hindi ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Ngayon nasasaktan ako. Ngayon gusto ko munang magpahinga. Ngayon hindi ko alam kung sino ba talaga ang mahal ko.

Love.

Takte yan. Apat na letra, pinakacomplicated na bagay naman. Kumplikado ba kesa sa peptide bonds sa chemistry, o sa centrifugal force ng earth kaya hindi siya circle, o sa parabola ng math. Leche yun kasi kapag nagkamali ka, matututo ka. Pero sa love, nagkamali ka na nga uulitin pa. Paksyet anong pinagsasabi ko, wala na akong sense.

Seventeen lang ako, ano ba tong pinasukan ko?

Magulo na nga yung balak kong gawin, mas lalo pang nakagulo yang pesteng love na yan.

Wala e, mabilis akong magtiwala. Palaging mabilis lahat ang pangyayari pag dating saakin. Wala e, hindi lahat ng ginagawa ko pinag-iisipan ko. Hindi bawat pangyayari sa buhay ko, pinaplano ko.

Bata lang ako, I make reckless decisions.

The fact na bigla nalang ako lumantad kay Kurt bilang si Vio sa school ay sobrang reckless na.

Also, the fact na nahuhulog na ako kay Jed... hay hindi ko alam.

Hindi ko talaga alam.

 

The next day...

 

"Get off me.." Sabi ko, ramdam ko kasi na may nakadagan saakin. "Get off me!" Sabi ko ulit tapos sinubukang itulak paalis kung ano man yon.

Kaso wala akong natamaan, instead narinig ko yung tawa ni Jed.

"What the hell are you doing Jed? I'm sleeping get out." Antok na antok na sabi ko, ni hindi ko nga minulat yung mga mata ko e. Ayoko pa naman ding iniistorbo ako pag tulog.

Athena: The Goddess of ViolenceWhere stories live. Discover now