Chapter Twenty-Two

Start from the beginning
                                    

Lance cursed under his breath. Kanina pa siya nandito sa hotel suite ni Elise at umiiyak ito.

Kanina, paalis na sana ang binata papunta sa bahay nila KC nang biglang tumawag si Elise kay Lance. Umiiyak ito sa kabilang linya at pinakiusapan siyang puntahan niya ito sa hotel suite nito.

Pagdating ni Lance ay naabutan niyang sobrang gulo ng hotel suite ng dating nobya, nagkalat ang mga damit at yung ibang gamit ay nasa sahig. Hinanap niya si Elise at natagpuan ito sa banyo na may hawak na blade.

"Are you crazy?!" Sigaw niya dito.

Nanginginig na humarap ito sa kanya at umiyak ng umiyak. Mahigit isang oras din bago niya ito napakalma at nagsimula na itong magkwento.

"My marriage with Felix is a failure." Mapait na ngumiti ito. "Karma na ba 'to sa ginawa ko sa'yo, Lance?"

Hindi umiimik ang binata at nakikinig lang. Naiinis pa siya dahil naiwan pa niya ang cellphone niya sa kotse. Hindi naman siya makaalis at baka mamaya ay may suicide attempt na naman si Elise.

"He abuses me physically and emotionally, Lance." Sabi nito in between sobs. "Natatakot lang akong magsalita because you know what that man can do."

Tumayo si Lance at nilapitan ito bago niyakap. "Anong gusto mong mangyari?"

"I want a divorce."

"Then file one."

"Wala na akong mapupuntahan later on." Patuloy pa rin ito sa pag-iyak.

"You can always start anew, Elise." Sabi ng binata bago siya kumalas sa yakap bago muling tumayo para maupo sa katabing silya ng kama.

"Will you take me back, Lance?" Tumingin ito sa kanya nang may mga malungkot na mata.

That caught Lance off guard.

Will he take her back?

"Friendship is all I can offer, Elise." Sagot ni Lance.

"Why? Is it because of your girlfriend?"

"Partly, yes. And because of my family too. My tita married Felix's brother." Sagot ng binata. Ayaw na niya, gusto na niyang mag move on sa buhay niya and start anew with KC. He just hopes Elise accepts this.

Mission Impossible: Dating Lance Go [FIN]Where stories live. Discover now