Ang gulo nya. Bipolar ba itong si Xandra? Ang bilis magshift ng mood nya.

"Well kung wala kang masasagot sa tanong ko. Kalimutan na lang natin." aniya. " Inaantok ka pa ba?" sweet na tanong nya.

Napatango na lang ako ng sunod-sunod. Nakakagulat sya. Sa smile nya nawala ang aking pagkainis.

"So gawin na lang natin iyong sinabi ko" sabi nya at ibinalik nya na uli ang atensyon nya kay Prof.

Nanahimik na lang ako. Baka magalit pa uli sya. Bakit ba naman kasi hindi ko pa masabi eh? Sarap saktan ng sarili ko. Pagdating sa kanya napakag@go ko. Umuurong ang pagkabadboy ko.

Naramdaman kong pinisil nya ang kamay ko. Lihim akong napangite. Sarap sa feeling magkaholdinghands habang nagklaklase si Prof. Hindi kita ng mga kaklase namin na magkaholding hands kami dahil sa bandang hulihan kami nakaupo at nasailalim ng mesa ang kamay namin. Nag-antok-antokan ako para lagi nyang pisilin ang kamay ko.

A wide grin fixed in my lips.

Fastforward...

Natapos din ang klase namin ng buong umaga.

Nasa cafeteria kami ngayon naglulunch.

Kasama namin ang mga kaibigan ko at si Sam.

Same scenario nakatingin nanaman sa amin ang mga girls pero hindi ko sila pansin kasi kay Xandra lang nakatuon ang buong atensyon ko.

Katabi ko sya at kumakain sya ng rice at caldereta. Gutom nga yata sya kasi nakadalawang cup na sya ng rice.

"Xandra hindi ka ba nagbreakfast?" tanong ko sa kanya. Lakas nyang kumain eh. Don't get me wrong hindi ako natuturn off sa lakas nyang kumain. Gusto ko nga ang ganoon kasi walang pretention. Pinapakita nya sa akin kung ano sya unlike sa mga girls nitong mga kaibigan ko na sinasama nila, kulang na lang hindi kumain kasi on diet daw .

That's one of her characteristic that I love.

Nilunok nya muna ang kinakain nya. "Kumain , kaya lang may lakad ako kaya kailangan ko ng energy" sagot nya . Pinagpatuloy na naman nya ang pagkain.

Lakad? " May lakad ka ?" I asked her.

Tumango sya ng maraming beses. Then patuloy parin sa pagsubo ng kanyang pagkain. Nagmamadali ba sya? Sunod-sunod kasi ang subo nya. Hindi nya na sinabi pa ang details ng lakad nya. Hindi na rin ako nagtanong pa. Baka mainis pa pagnagtanong pa ako.

"You want more rice?" tanong ko sa kanya kasi pati rice ko kinuha nya na sa plato ko.

"No, tama na ito, just buy me a chocolate cake please" request nya.

"Wow Best para ka namang hindi pinakain ni Tita" pang-aasar sa kanya ni Sam. " Sa dami ng kinain mo baka sa birthday mo hindi na magkasya ang gown mo".

Tiningnan sya ng masama ni Xandra. " Mind your own business Best. Pwede ba 'yang si Caden na lang ang asarin mo. May lakad ako at baka hindi ako makakain ng meryenda mamaya kaya dinadamihan ko na ang kain ko." sabi nya kay Sam." Sige na Vincent bili mo naman ako ng cake" baling nya sa akin.

Wala na akong nagawa. Tumayo na lang ako then pumunta sa counter.

"Oh my sila na ba?" rinig ko na tanong ng isang girl sa mga kasama nya. "Nakita nyo ba iyon ? Inutusan nya ang anak ng may-ari ng university? Ang sweet naman ni Vincent."

Napailing na lang ako. Si Xandra kaya naswesweetan sa mga ginagawa ko?

Inilapag ko ang cake sa harap nya at naupo. Para syang bata na nagningning ang mga mata dahil ibinigay ang gusto. Ubos na ang kinakain nyang kanin at ulam.

My Fiancé Since Birth(Completed)A published book under LIB/PastrybugWhere stories live. Discover now