Chapter Twenty-Six

Magsimula sa umpisa
                                    

Yumakap siya rito ng mahigpit, umaamot ng lakas. Hinayaan niyang umalpas ang luha mula sa mga mata bago iyon mabilis na pinahid. Pagkatapos ang ilang segundo ay marahan siyang kumalas kay Cassandra.

"I-I'll talk to him," aniya matapos huminga ng malalim.

Hinalikan siyang muli ng ginang sa noo bago nagtungo sa pintuan at tinawag si Lawrence pagkabukas niyon. Her heart skipped a beat when she saw him enter the room. His eyes immediately darted to her. There was a longing look in them but there was sadness as well. He stood there just beside the door at tila nagaatubiling lumapit.

"I'll leave you two alone," ani Cassandra

For a few seconds, silence ensued. Parang nangangapa silang dalawa. Nagdadalawang isip kung sino ang ma-uunang magsalita. She had avoided his gaze and chose to stare at her joined hands.

As she remained quiet, Lawrence decided to break the silence.

"W-why didn't you tell me, Tinne?" tanong nito. "B-bakit hindi mo sinabi ang tungkol sa sakit mo?"

Noon siya nag-angat ng tingin, puno ng hinanakit ang mga mata.

"Why didn't I tell you?" ulit niya sa tanong nito. "Sa tingin mo ba sasabihin ko sa 'yo ang karamdaman ko matapos mong ibungad sa 'kin ang annulment papers pagkarating na pagkarating ko pa lang mula Amerika? You b-broke me at that time, Lawrence, and I only had my pride left. Pero hindi ako magsisinungaling na hindi 'yan pumasok sa isip ko. Kasi alam ko na isa 'yong paraan para hindi mo ako iiwan.

"But then it would only mean na mapipilitan kang manatili sa piling ko. Mas masakit iyon, ang makasama ang isang taong ayaw naman sa 'yo, ang ipilit ang sarili mo sa taong sawa na sa 'yo. Kaya hindi ko sinabi sa 'yo." Muli siyang nagyuko ng ulo, "B-but I really wanted to be with you even for a short time. Kaya ko ginawa ang kasunduang iyon. I wanted to come to terms with myself na maghihiwalay na tayo, na hindi ka na magiging akin at the same time indulging my desire of being with you kahit na nasasaktan ako. Naisip ko na masokista siguro ako for torturing myself in that way."

Naramdaman na lang niyang nakakulong na siya sa mga bisig ng asawa at mahigpit siyang niyayakap nito. Yumuyugyog ang mga balikat nito palatandaan na umiiyak ito.

"I-I'm so sorry, Tinne! I'm so sorry. Alam kong paulit-ulit ko na lang itong sinasabi pero iyon lang talaga ang masasabi ko. Please give me the chance to prove to you my sincerity. Nasaktan kita ng sobra a-and I will do everything to atone for my sins. Even if it would mean forever, I would do it. I-if you would only give me the chance," anitong humahagulhol na nakasubsob sa balikat niya. "Boo, please, huwag mo akong itaboy palayo sa 'yo. Gusto kong alagaan ka. Gusto kong nasa tabi mo lang ako lalo na sa panahong ito. P-parang awa mo na. Bigyan mo ako ng second chance? P-please?"

Umiiyak na rin pala siya, hindi man lang niya namalayan, "L-Lawrence . . ."

"I want to be with you. I-I can't stay away from you," kumalas ito't ikinulong ang mukha niya sa mga kamay nito't pinahid ang mga luhang naglandas sa kanyang mga pisngi. "I love you. Please give me the chance?"

Kahit na anong pilit niyang pigilan ang mga luha ay tila naman iyon gripo na ayaw tumigil sa pagtulo.

In life, people make mistakes but it doesn't mean they have to pay for them for the rest of their life. Sometimes they make bad choices pero hindi ibig sabihin n'on na masama na sila. It only means that they're human.

Nag-e-echo sa isip niya ang sinabi ng ina kani-kanina lang. And she realized that her mother was right. Humans were bound to make mistakes and they have the choice to undo them or not. Ngayon ay nasa harap niya ang asawang nanakit sa kanya at humihingi ng pangalawang pagkakataon upang maitama ang mga mali nito.

The Shattered Vow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon