04

863 39 10
                                    

Naglalakad ngayon si Jeonghan papuntang canteen dahil recess na nila, para din makasabay nyang kumain sila Seungkwan.

Nang makarating siya doon ay nag order agad ito at pumunta doon sa table kung saan palagi silang kumakain.

Nang malapit na siya doon ay nagtaka siya, bakit nandito sila Soonyoung? Diba sabi ni Seungcheol may practice sila?

Nakita naman siya ni Seungkwan at tinawag, "Jeonghan! Halika dito."

Lumapit naman siya at umupo sa tabi nito. Tumingin naman siya kay Soonyoung at tinanong.

"Soonyoung, diba may practice kayo?" Tanong ni Jeonghan.

Nagtaka naman ang kanyang hyung, "Huh? Anong practice? Wala namang laro."

"Sabi ni Seungcheol sakin, may practice raw kayo ngayon kaya hindi siya makakasabay sakin kumain." Malungkot nitong sabi.

Nakunot ang noo ni Soonyoung at bigla namang nagsalita si Seungkwan, "Sabi yan ni Seungcheol sayo?"

Tumango naman ito.

"Feeling ko may tinatago si Seungcheol." Sabi ni Seokmin.

Napatingin naman sa kanya ang lahat.

"Paano mo naman nasabi ha, Seokmin?" Tanong ni Minghao sa kanya.

"Duh, hindi niyo ba nahahalata? Ilang araw nang hindi nakakasabay ni Jeonghan si Seungcheol maski kakain ng sabay o uuwi, laging may dahilan." Sabi ni Seokmin.

"Tapos palagi pang sinasabi ni Jeonghan na kapag magkausap sila laging beastmode si Seungcheol o di kaya nakasimangot parati." Sabat ni Wonwoo.

"Hoy, wag nga kayong mag isip ng kung ano ano kay Seungcheol. Wala nga tayong ebidensya eh." Sabi ni Jihoon.

"Hyung, kahit naman may ebidensya o wala halata namang may tinatago si Seungcheol kay Jeonghan eh." Sagot ni Seokmin kay Jihoon.

"Guys chill lang kayo. Hayaan niyo na baka busy lang si Seungcheol." Pag aawat ni Jeonghan sa kanila.

"Pero Jeonghan—" Hindi natapos pa ang sasabihin ni Seungkwan nang takpan ni Hansol ang bunganga nito gamit ang kamay niya.

Tinabig naman ka agad to ni Seungkwan.

"Ang baho ng kamay mo, noo!" Pagalit nitong sabi.

"Wag ka ng sumabat pa at tsaka di mabaho kamay ko. Tss." Sabay irap nito ni Hansol kay Seungkwan.

Umirap din si Seungkwan dito.

"Okay lang naman baka busy lang talaga siya." Sabay ngiti ni Jeonghan sa kanila.

Maya maya ay iniba na nila ang usapan nila at nagtawanan.

Hindi nalang inisip ni Jeonghan kung bakit hindi sumabay si Seungcheol sa kanya ngayon.

Minamahal Pa Rin Ako ⚣ jeongcheolWhere stories live. Discover now