[ 16.2 ] Betrayal

68.3K 730 72
                                    

Chapter 16.2: Betrayal

"Hindi ako naghihiganti. Mali lang ako ng nasabi na salita. Wala lang 'yon."

Inirapan siya ni Steffi kaya binitawan niya na lang ang braso nito at madali itong umalis. Alam niya na nagpapalusot lang si Steffi. Sigurado siya sa narinig at nakita niyaang reaksyon ni Steffi. Natakot ito nang magtanong siya tungkol doon at umiiwas din ito.

Naghihiganti siya? Kanino at bakit niya gagawin 'yon? Kailangan kong malaman ang binabalak niya. Imposible na wala lang 'yon. Sa tingin ko, may tinatago siya sa 'ming lahat. Nadulas lang siya dahil sa galit niya. Malalaman ko din ang katotohanan.

Umalis na din doon si Kurt at bumalik siya sa opisina ng tatay nina ZAC. Nag-usap usap kasi sila na sabay sabay silang magtatanghalian. Bago siya pumasok sa pintuan ay narinig niya ang pagtatalo nina Zavier at ang tatay nito sa loob. Bahagya kasi na nakabukas ang pintuan.

"Dad, ano ba?! Dapat hindi niyo pa din siya sinasabihan ng ganoon! Babae pa rin siya at masakit ang mga sinabi niyo!" sigaw ni Zavier.

"Kailan ka pa natutong pagtaasan ako ng boses?! Gumagaya ka na din ba kay Zyril?!"

"Dad, you know that I changed. I'm different from him!"

"I don't care who that girl is to you. Stay away from her or I'll kick her out of this school! Do you understand?! Let's go."

Lumabas na doon ang tatay nila at kasunod noon si Zavier. Nagpanggap siya na naghihintay lang sa labas at walang narinig sa pinag-usapan nila.

Pumunta sila sa isang restaurant na pagmamay-ari din ng pamilya ni ZAC para kumain. Wala pa doon si ZAC at hahabol lang ito kaya nauna na sila. Marami ang gumugulo sa isipan nina Kurt at Zavier kaya tahimik lang sila doon na naghihintay sa pagkain nila.

Sigurado ako na malaki ang galit ni Dad kay Steffi ngayon. Minsan, hindi ko na siya maintindihan. Ang tapang tapang niya pero kadalasan, hindi niya iyon inilulugar kaya siya napapaaway. Hindi niya kinikilala ang mga kinakalaban niya at ang Tatay ko pa ang napili niya ngayon.

Nahihirapan si Zavier sa sitwasyon niya. Naiipit siya sa pagitan ng Daddy niya at si Steffi. Gusto niya itong protektahan mula sa Tatay nila pero hindi niya rin ito pwedeng suwayin. Alam niya ang kaya nitong gawin kay Steffi na ikinakatakot niya naman.

"Zavier, I repeat. I want you to stay away from that girl," pag-uulit nito.

"I don't want to talk about it anymore, Dad. I'm losing my appetite."

"Zavier, I'm warning you. Kung hindi--"

"Kung ipipilit mo na pag-usapan ang tungkol dyan, aalis na lang ako dito."

"Where is ZAC? He's late. He's always late." pag-iiba nito sa usapan.

"Baka may inasikaso lang siya, Tito," sagot ni Kurt.

"Ano ba ang inaasikaso niya na parang napaka-importante para unahin niya kaysa dito? I've been busy these past few weeks at ngayon lang ako nagka-oras para kumain kasama sila pero wala siya ngayon dito. That kid is useless and hard headed. He will never change," naiinis na sagot nito.

Hindi nila napansin si ZAC na kadarating lang. Narinig nito ang sinabi ng Tatay nila.

"'Yan naman talaga ang tingin mo sa 'kin noong una pa lang, 'di ba? First impression lasts nga naman. Mukhang hindi na ako kailangan dito. Aalis na ako," walang ganang sinabi ni ZAC.

Hindi na hinintay ni ZAC ang sagot ng Tatay nila at umalis siya kaagad doon. Agad rin naman siyang sinundan ni Kurt.

"I'm sorry, Dad. I need to follow him," pagpapaalam ni Zavier.

An Orphan's First Love: Love or Revenge Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon